Generation

Jihyo ng TWICE, Olympic gold medalist Yun Sung Bin, nagde-date nga ba?

LAMAN ng trending list sa social media ang leader ng South Korean girl group na Twice at ang skeleton racer na si Yun Sung Bin nang mapabalitang nagde-date umano ang dalawa.

Nag-trend sina Jihyo at Sung Bin matapos ibalita ng South Korean media outlet na SWAY na isang taon na umano nagde-date ang dalawa. Ayon sa ulat, nagkakilala raw sila dahil sa kanilang mutual acquaintances at pareho umano nilang interes ang mag-ehersisyo.

Sinagot naman na ng talent agencies nina Jihyo at Sung Bin ang dating rumors, pero hindi rin nito makumpirma kung totoong romantically involved ang dalawa sa isa’t-isa.

“It is difficult to confirm as it is [the artist’s] personal matter. We ask for your understanding,” sabi ng JYP Entertainment, music label ng TWICE, sa isang pahayag na ibinahagi ng Korean entertainment news outlet na Soompi.

Ganito rin ang sinabi ng agency ni Sung Bin na All That Sports.

“As he is no longer an active athlete, we do not manage his personal life. It is difficult to confirm,” pahayag nito.

Kilala si Sung Bin bilang “Iron Man” ng skeleton racing industry sa South Korea. Ang skeleton racing ay isang winter sport kung saan nakikipag karera ang mga atleta habang nakadapa sa bobsleigh.

Nanalo siya ng gintong medalya sa men’s skeleton racing category sa 2018 Winter Olympics na ginanap sa Pyeongchang, South Korea.

Naging contestant din si Sung Bin sa reality survival show na “Physical: 100.” 

Nag-debut naman sa TWICE si Jihyo noong 2015 bilang leader at main vocalist ng grupo, na binansagang “nation’s girl group” ng South Korea.

Siya ang ikalawang miyembro ng TWICE na nag-solo debut noong nakaraang taon, kasunod ni Nayeon. Nilabas ni Jihyo ang kanyang debut extended play (EP) na “Zone” na may pitong kanta, kabilang na ang “Killin’ Me Good.”

TWICE PH fan meet

Samantala, nakatakdang lumipad sa bansa ang TWICE ngayong taon para sa isang fan meet na inorganisa ng isang local snack brand.

Gaganapin ang event sa June 1 sa SM Mall of Asia Arena. Wala pang inaanunsyong detalye tungkol sa petsa para sa ticket selling at presyo ng tickets.

Nitong nakaraang taon huling bumisita ang K-pop girl group para sa kanilang “Ready To Be” concert sa Philippine Arena sa Bulacan.

Ang TWICE ang nagpasikat sa mga kantang “Cheer Up,” “TT,” “Likey,” “Heart Shaker,” “What is Love,” “Yes or Yes,” “Fancy,” “Feel Special,” “More & More,” “I Can’t Stop Me,” “Alcohol-Free,” “The Feels,” at iba pa.

How useful was this post?

Joanna Deala

Recent Posts

LOOK: Local celebrities cast vote for #BotoNgKabataan2025

FILIPINOS continue to flock to their respective polling precincts to exercise their right to vote…

6 hours ago

Overvoting Complaints Flood Social Media on Election Day

REPORTS of overvoting have flooded social media as Filipinos cast their ballots on May 12,…

8 hours ago

TikTok to Top Charts: How short clips are creating long-term hits

THERE was a time when radio airplay and TV guestings were the ultimate markers of…

9 hours ago

A guide to find your precinct number this midterms election

THE COMMISSIONS ON ELECTIONS (COMELEC) made a website for voters to easily access their respective…

10 hours ago

Let the Voting Begin: #BotoNgKabataan2025 Commence

FINALLY, the long-awaited 2025 National and Local Elections (NLE), also known as the #BotoNgKabataan2025, began…

11 hours ago

Why We Have to Vote, Even If It Feels Pointless

YESTERDAY, I found myself in the middle of a sweltering crowd at a bus station…

1 day ago