fbpx
Search
Close this search box.

K-pop girl group na TWICE, magbabalik-Pinas para sa fan meet

by Joanna Deala

FILIPINO ONCE, you won’t be missing your favorite girl group for so long! Ito’y dahil babalik sa bansa ang South Korean girl group na TWICE para sa isang fan meeting.

Ibinahagi ito ng isang local snack company sa social media, kung saan naglabas ito ng 31-second video na iniimbitahan ng girl group ang fans na dumalo sa naturang event.

“Please come and enjoy snacks, games, and have fun with us!” ayon sa miyembro ng TWICE na si Nayeon.

Binati rin ng grupo ang kanilang Filipino fans ng “Mahal namin kayo!”

Wala pang detalye tungkol sa petsa at venue ng naturang fan meet, pero ayon sa snack company, ilalabas nito ang iba pang impormasyon tungkol sa event sa March 22.

Noong September 2023 ni-reveal ng local snack company ang collaboration nito sa TWICE. 

Samantala, may mga pabirong comments naman dito ang fans, o kilala bilang ONCE, na excited makitang muli ang TWICE.

“Willing ako magkasakit sa bato para lang sa inyo,” sabi ng isang netizen.

“Kung need kong gawing almusal, tanghalian, hapunan ang [snack brand] gagawin ko makita lang kayo,” comment naman ng isang fan.

Dagdag naman ng isang netizen, “Willing mag-sacrifice ‘di magkaroon ng jowa para lang sa fan meeting na ‘to.”

Humihiling naman ang ibang ONCE ng mas malaking venue at mas maayos na pagbenta ng tickets para sa fan meet.

“Chance para sa mga fans talaga and hindi sa mga influencer please lang. Sana madali mechanics para maka-avail ng tickets for the fanmeet. And lastly, sana sa accessible na venue ganapin,” pahayag ng isang social media user.

Nitong nakaraang taon din huling bumisita ang TWICE para sa kanilang “Ready To Be” concert sa Philippine Arena sa Bulacan.

About TWICE

Ang TWICE, na binansagang “Nation’s Girl Group” ng South Korea, ay binubuo ng siyam na miyembro na sina: Jihyo, Nayeon, Jeongyeon, Momo, Sana, Mina, Dahyun, Chaeyoung, at Tzuyu.

Nag-debut sila noong October 2015 nang ilabas nila ang kanilang extended play (EP) na “The Story Begins.” Kasalukuyan silang mina-manage ng South Korean music label at entertainment agency na JYP Entertainment, na huma-handle rin sa K-pop groups na Stray Kids, ITZY, at NMIXX, pati na rin sa mga bandang DAY6 at Xdinary Heroes.

Mas lalo pang humakot ng atensyon ang TWICE nang ilabas nila ang kantang “Cheer Up” na nag-dominate sa music charts at humakot ng parangal kabilang ang “Song of the Year” award sa 2016 Melon Music Awards (MMA). 

Naging hit din ang ibang upbeat at cheerful songs ng grupo tulad ng “TT,” “Likey,” “Heart Shaker,” “What is Love,” “Yes or Yes,” “Fancy,” “Feel Special,” “More & More,” “I Can’t Stop Me,” “Alcohol-Free,” “The Feels,” at marami pang iba.

Nitong nakaraang buwan nag-comeback ang TWICE sa K-pop scene nang ilabas nila ang latest mini album na “With YOU-th.” Naging usap-usapan din ng fans online ang flashy music video ng Korean-English song na “ONE SPARK” na parte ng 13th mini album ng grupo.

SUPPORT REPUBLICASIA

DON'T MISS OUT

We have the stories you’ll want to read.

RepublicAsia Newsletter