Photo courtesy: @clfrnia_maki | X
HINDI na lamang sa Pilipinas agaw-pansin ang bagong kanta ng Pinoy R&B singer na si Maki na “Dilaw,” kundi pati na rin sa ibang bansa, tulad sa South Korea.
Kabilang ang “Dilaw” sa mga kantang pinerform ng K-pop boy group na BLITZERS para sa “World Wide Cover” segment ng South Korean web series 1theK sa YouTube. Dito inaawit ng Korean idols ang mga kanta ng mga singer sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
Sa June 25 episode, ipinamalas nina Sya at Wooju ang sarili nilang version ng “Dilaw,” kung saan kinanta nila ang chorus part nito sa Tagalog.
Kinanta rin ng BLITZERS ang “Charm” nina Lykn, Joong at Pond; “I Had Some Help” ni Post Malone kasama si Morgan Wallen; “Piracão” ni Kaka e Pedrinho; “Too Sweet” ni Hozier; “Parapluie” ni Jeck; “80qm” ni Nina Chuba; at “Fire” nina Meduza, OneRepublic at Leony.
Nitong Lunes, ibinahagi ng Tarsier Records—label ni Maki—ang cover ng BLITZERS sa “Dilaw.”
Ni-repost naman ito ni Maki sa X, dating Twitter, at ibinahagi ang kanyang reaksyon dito.
“I remember covering kpop songs and translating them into Filipino. this feels weird (in a good way),” wika ng R&B singer.
Gumagawa rin ng cover si Maki ng K-pop songs na isinasalin niya sa wikang Filipino at English. Kabilang na rito ang mga kantang “OMG” at “Ditto” ng NewJeans, pati na rin “Bills” at “Shoutout” ng ENHYPEN.
Nitong March 2024 inilabas ni Maki ang “Dilaw” pati ang music video nito, tampok si Maloi Ricalde ng “Nation’s Girl Group” na BINI.
Tungkol ito sa paghahanap ni Maki ng kanyang “Dilaw” o taong nagdadala ng saya at pag-asa sa kanyang buhay. Isinulat ito ni Maki kasama si Nameless Kids’ vocalist Nhiko Sabiniano, na nag-produce rin ng kanta.
Nasungkit ng “Dilaw” ang unang pwesto sa Top 50 songs chart ng digital music platform na Spotify Philippines nitong nakaraang buwan.
Sa press statement, ibinahagi ni Maki na isinulat niya ang kanta para sa kanyang younger self na laging naghahanap ng pagmamahal sa ibang tao.
“Yung sobrang bigay siya nang bigay ng pagmamahal tapos hindi niya nakukuha pabalik. Now, I realize na after so many heartbroken moments in my life, ‘di ko na mahal yung sarili ko. Dapat yung dilaw natin unang-una sa lahat ay yung sarili natin,” paliwanag niya.
Kilala rin si Maki sa kanyang mga hit song na “Saan?” “Bakit?” at “Kailan?”
Nakatakda siyang mag-perform sa grand coronation night ng Binibining Pilipinas pageant sa Smart Araneta Coliseum sa July 7, kasama si OPM singer TJ Monterde.
Nag-debut ang BLITZERS noong 2021 sa ilalim ng South Korean record label Wuzo Entertainment, nang ilabas nila ang kanilang extended play (EP) na “CHECK-IN.”
Anim ang miyembro ng grupo na sina Jinhwa, Juhan, Sya, Chris, Lutan, at Wooju.
Nag-comeback sa K-pop scene ang BLITZERS nang ilabas nila ang kanilang bagong album na “LUNCH-BOX” nitong Hunyo. Anim ang mga kanta sa album, ito ang: “Race Up,” “SUPERPOWER,” “RING RING,” “FXXXIN SPRING,” “SUPERPOWER (English version),” at “Macarena (English version).”
REPORTS of overvoting have flooded social media as Filipinos cast their ballots on May 12,…
THERE was a time when radio airplay and TV guestings were the ultimate markers of…
THE COMMISSIONS ON ELECTIONS (COMELEC) made a website for voters to easily access their respective…
FINALLY, the long-awaited 2025 National and Local Elections (NLE), also known as the #BotoNgKabataan2025, began…
YESTERDAY, I found myself in the middle of a sweltering crowd at a bus station…
MISS Universe Philippines 2025 Ahtisa Manalo promises to give the Philippines “the best fight ever,”…