fbpx

Lalaking nanita sa videoke addict, sinaksak, patay

by Arnel Eclarinal

Recently updated on February 10, 2023 05:33 pm

CAMARINES SUR – Patay ang isang 33-anyos na binata sa bayan ng Pasacao matapos syang saksakin ng kapitbahay na ayaw diumano paawat mag-videoke gamit ang malaking bluetooth speaker.

Kinilala ang biktima na si Rodel Cañeso na nagtamo ng mga saksak sa dibdib at katawan. 

Ang suspek ay kinilala naman ng Camarines Sur police na si Richard Calmada, 44 gulang, at kapitbahay ng biktima.

Bakit pinatay ang biktima?

Kwento ng Pasacao PNP, pasado alas 9 ng gabi nitong Sabado, “maayos na sinita raw muna” ni Cañesa ang suspek dahil sa maingay na pagkanta sa videoke gamit ang malaking speaker na naka-bluetooth sa kanyang cellphone.

Sa lakas ng bluetooth speaker, “dinig sa bawat sulok ng buong barangay” ang pagkanta ng suspek.

Pinagsabihan ng biktima ang suspek na hinaan ang pag-videoke dahil may sakit ang kanyang ina at hindi mahimbing sa pagtulog lakas ng kanyang bluetooth speaker.

Wala naman daw okasyon noong Sabado ng gabing iyon para sa kanilang soundtrip. Sadyang nag-iinuman lamang ang magkakapatid.

Paano nauwi sa patayan?

Maaaring dahil sa galit sa paninita sa kanya, pinagsasaksak ng suspek ang biktima. Napuruhan sa puso si Cañeso. Agad na namatay ang biktima sa mismong bahay ng suspek.

Nasan ang suspek?

Ayon sa pulisya, tumakas ang suspek at hanggang ngayon ay pinaghahanap pa.

Ang lugar ay isang coastal barangay sa nasabing bayan, hindi madali para sa mga police na puntahan.

Mahaharap sa kasong homicide ang suspek. Iniimbestigahan din kapatid ng suspek na kainuman nang maganap ang pananaksak.

Matagal nang inirereklamo ng mga kapitbahay sa barangay ang diumano’y “nakapalakas” na pagvi-videoke ng pamilya na inaabot diumano mula umaga hanggang gabi. 

Bawal ba ang malakas na videoke?

Paalala ng mga pulis,  mariing ipinagbabawal ang malakas na kantahan o sound system lalo na kung walang permit. May limit din ang oras ng videoke session at hindi raw dapat gawin araw-araw upang hindi maka istorbo.

Photos courtesy Pasacao, Camarines Sur police

How useful was this post?

Click on a star to rate it!

Average rating 0 / 5. Vote count: 0

No votes so far! Be the first to rate this post.

As you found this post useful...

Follow us on social media!

We are sorry that this post was not useful for you!

Let us improve this post!

Tell us how we can improve this post?

Dive deeper into the issues that affect your community. Follow republicasia on FacebookTwitter and Instagram for in-depth analysis, fresh perspectives, and the stories that shape your daily life.