What's Happening?

12 most romantic spots in Cebu to cap your Valentine’s night

CEBU – Kung naghahanap pa din kayo ng mga lugar kung saan pwedeng ipagdiwang ang Araw ng mga Puso, dito sa Cebu hindi kayo mauubusan.

Talagang mapapa-”Gihigugma ko ikaw” kayong mag-jowa kapag masubukan mo ang mga romantic spots na ito.

10000 Roses Cafe & More

Sa  Araw ng mga Puso naging normal na sa iba ang pagbibigay ng bulaklak sa kanilang special someone. Pero mukhang magiging espesyal pa ‘yan kung dadalhin mo ang iyong mahal sa buhay sa 1000 Roses Cafe & More sa bayan ng Cordova.

Sa 10,000 LED white roses ang nilagay sa lugar. para na ring 10,000 rosas binigay mo sa iyong minamahal.

10000 Roses Cafe & More | 📸 IG @dreinics

La Vie in the Sky at La Vie Parisienne

Gusto mo bang impress ang ka-date mo sa French dining? Sa Vie in the Sky o sa La Vie Pariesienne mo sya dalhin. Bukod sa French cuisine, marami pang mga French wine na pagpipilian.

But wait, there’s more!

Dahil nasa tuktok ng bundok, tanaw nyong magsing irog ang buong syudad ng Cebu sa La Vie in the Sky. 

Para kayong lang nasa Los Angeles kayo sa La Vie in the Sky sa Cebu City | 📸 FB La Vie in The Sky

Sirao Flower Farm

Di nyo na kailangan pumunta pa sa The Netherlands para maka-experience ng mala-Holland feels.

Dahil ang Cebu City, may sariling “Little Amsterdam” – ang Sirao Flower Farm. Ito’y nasa burol ng Barangay Sirao.

May mga windmills at cottage houses sa Sirao Flower Farm. Hitik din ito sa mga bulaklak. Hindi nga lang tulips. Pero merong celosia flower at wool flower.

Sa gitna ng farm nito ay “Giant Hand,” isang napakagandang spot para sa selfie ninyong magnobyo or mag-asawa.

​​

Ang Giant Hand sa Sirao Farm ang pinakamagandang photo spot daw sa Cebu, sabi ng German IG blogger @girlstraveladdicted

Anjo World  Theme Park

Kung  adrenaline junkies naman kayong magjowa, pwede nyo ring subukan ang binansagang pinakamalaking theme park sa Visayas – Anjo World Theme Park.

Tiyak na swak sa inyo ang extreme rides gaya ng Viking, Tower Drop Boomerang at  marami pang iba.

Pwede niyo ring ma-enjoy ang  Anjo Eye, ang  napakalaking ferris wheel sa lugar.

May mga kainan din sa lugar. 

Drone shot of Anjo World Theme Park | 📸 FB @theislandnomadph

Cebu Safari & Adventure Park

Kung nature trip naman ang gusto nyong magnobyo sa Valentine’s Day, swak ang Cebu Safari & Adventure Park sa  bayan ng Carmen sa inyo.

Bukod sa mga zoo animals tulad ng tigre at exotic birds, samu’t saring flora at fauna ang makikita sa buong park. 

Sa laki ng lugar ng Cebu Safari & Adventure Park maraming activity at wild adventure ang pwedeng gawin | FB Cebu Safari & Adventure Park

Isang romantic spot din ang paboritong puntahan ng mga magsing-irog.

Ready ka na magpropose sa iyong forever on Valentine’s Day? | 📸 FB Cebu Safari & Adventure Park

Cebu Ocean Park

Ito ang pinakamalaking oceanarium ng bansa, kaya asahan na mabubusog ang mga mata ninyo sa mga samu’t saring mga marine animals na makakasalamuha mo sa lugar.

Nariyan din ang  ibat-ibang  aktibidad na pwedeng ninyong gawing magpartner —  ang lories feeding, SeaTREK, Fish Spa, Stingray Encounter, at Croc Cage.

At  para tapusin  ang mahabang araw   – ay  nariyan din ang  aqua dining sa lugar.  Kung saan background niyo ang napakalaking  aquarium! Napaka romatic!

Siguradong di malilimutan ang date pag dito kayo sa magstroll under the sea sa sea trek encounter ng Cebu Ocean Park | Klook website

Il Corso Food Yard by the Sea

Kung gusto niyo naman ng iyong ka-date ng food adventure by the sea, dapat ninyong sadyain ang Il Corso Food Yard by the Sea.

Matatagpuan ito sa kahabaan ng Cebu South Road Coastal Road sa lungsod ng Cebu.

Bukod sa samu’t saring pagkain, langhap nyo ang sariwang hangin mula sa baybaying dagat.

Sunset cruise

Kung maganda ang weather, itodo mo na ang date experience ninyong mag jowa.

Sa bagong pakulo kasi ng Cebu City LGU pwede na kayong mag-date na naka-cruise.

Sunset cruise sa Sugbo | 📸 FB Cebu City Tourism Commission

Ang cruise nagkakahalaga ng P2,500 bawat katao, kasama na riyan ang pagkain at inumin. 

Sa loob ng tatlong oras na paglalayag, may manghaharana  din  sa inyo na  acoustic  band. ( Sana all !) 

Tamp Cafe & Co.

Sino bang makakahindi sa masasarap na pagkain at Insta-worthy na lugar ngayon? ‘Yan ang iyong aasahan  sa Tamp Cafe & Co.

Marami  ngang  mga taga Cebu ang  napapasugod sa cafe na ito sa Cebu City.  

Bukod  kasi sa masarap  nilang pagkain  ay napaka aesthetic pa ng lugar! 

So gora na dito para sa inyong Instagrammable date night to flex or “soft launch” your loved one.

Huwag kalimutan i-fully charge and cellphone at maglaan ng space sa memory para di maubusan ng anggulo dito sa Tamp Cafe & Co.

Woods Smokehouse

Sigurado ring di kayo madidi-disappoint ng iyong ka-date sa kainang ito sa bukiring bahagi sa Cebu City.

Bukod sa smoked food, ma e-enjoy niyo rin ang city lights ng lungsod sa gabi dito sa Woods Smokehouse.

Mababa din ang temperatura sa lugar kaya swak ang isang tasang hot chocolate o pwede na ring one shot of tequila?

📸 Wood Smokehouse

West 35 Eco Mountain Resort

Parang wala ka na sa city pag nandito ka West 35 Eco Mountain Resort, pero believe it or not nasa Cebu City pa rin ito.

Medyo sadyain nyo lang ang pag-akyat dahil nasa bundok ito ng Balamban, mga isang oras mula sa Ayala Center Cebu.

Pero perfect getaway ito ninyo to sa traffic ng Cebu City.

Bukod sa pagkain at inumin na  pwedeng ma enjoy ng mga taong nagsasadya sa lugar, ay pwede din silang sa lugar na magpalipas ng gabi.

Ang presyo ng  kanilang mga kwarto naglalaro sa P5,200 – 7,200 depende sa klase at sa laki ng kwarto.

At ngayong February 14 ay magkakaroon din sila ng Valentine’s Day special, may live performers raw na magtatanghal  sa lugar. 

📸 FB West 35 Eco Mountain Resort

Tuslubuwa

Kung walang kayong high blood at hindi naman nagda-diet, try nyo tong pig-out adventure. As in literal na pig — ang tuslubuwa o pig’s brain gravy.

Maraming lugar sa Cebu ang nag-offer ng tuslubuwa, kabilang na dyan ang 8flix&Chill sa Barangay Zapatera.

Swak ito sa mga nagtitipid ngayong Valentine’s Day.

Unli Tuslubuwa sa 8flix&Chill sa halagang P200 for 2 pax | 📸 FB Marj Diaries

Oh di ba isang doseng ang hatid sa inyo ng Cebu! May na-miss ba kami? Message nyo kami sa Facebook, Instagram o Twitter.

Kind reminder lang, dahil kinarir mo ang venue ng inyong Valentine’s night, enjoy nyo ang isa’t isa at huwag kalimutang sabihin sa iyong partner, “Gihigugma kaayo tika.”

How useful was this post?

Charlie Hera

Recent Posts

Workers get free rides for MRT and LRT on April 30 to May 3

AS a tribute to the Filipino worker, President Ferdinand R. Marcos Jr. announced that workers…

1 hour ago

Touching grass: 3 adventure stories written by walking

THE MOST basic means of getting from one point to another which some do not…

2 hours ago

Eala Receives Recognition from Philippine Embassy in Spain

THE Filipina tennis sensation Alex Eala's achievements and histories she broke are still being recognized,…

2 hours ago

Mister Pilipinas 2025 Crowns Kirk Bondad and Other Winners

AFTER narrowly missing out on an international title just months ago, Kirk Bondad is back…

3 hours ago

UE Offers Fitness and Sports Management Degree Program

THE University of the East (UE) Manila recently launched a Bachelor of Science in Exercise…

3 hours ago

OFWs thankful for being part of ‘Konsyerto sa Palasyo’ 2025

WITH only a few days left before the celebration of Labor Day, the Philippine government…

3 hours ago