What's Happening?

May ibig sabihin ba ang tikoy flavors?

TUWING Chinese New Year, muling nagsasama-sama ang bawat pamilya maging Chinoy o Pilipino gaya ng pagsasalo-salo tuwing January 1 na mismong new year sa karamihan ng bansa.

Ang Chinese New Year, kadalasang natatapat sa pagitan ng pangatlong linggo ng January hanggang ikatlong linggo rin ng Pebrero.

Madalas na sentro ng mga ganitong selebrasyon ay ang pagkain, lalo na sa Chinese culture na ang mga hinahanda ay may malalim na pinanggalingan o kahulugan.

Gaya ng tikoy na gawa sa malagkit na kanin at hugis bilog, at karaniwang hinahanda, ibinibigay at natatanggap kada Chinese New Year.

Ang tikoy ay Nian Gao 年糕 kung isasalin sa salitang Tsino.

Pero ano nga ba ang sinisimbolo ng tikoy para sa mga Chinese?

Bukod sa masarap, ini-enjoy din ng mga Chinoy ang tikoy dahil sa paniniwalang ito ay magaanyaya ng maunlad na taon, mas madikit na pagsasama ng pamilya at magaan na pagdadala ng mga magdaang problema.

Kung noon, kulay puti, kayumanggi at ube lamang ang kilala o natitikman na tikoy, ngayon, mas marami na’ng pagpipilian na patok sa panlasa ng bawat mamimili, ayon kay Roche Chua, ang finance deputy ng sikat na Eng Bee Tin. 

Sinabi ni Chua na kilala ang Eng Bee Tin dahil sa mga iba’t ibang flavor na inaalok ng kanilang bakery.

Ngayong taon, ang pinakabagong imbento nito ay ang mango sticky rice na tikoy kung saan malalasahan ang tamis at tropical na lasa ng sangkap nito.

Pero ayon sa kanya, wala namang ibig sabihin ang kanilang pag gawa ng iba’t ibang flavor.

“These were made without really thinking of a meaning and all. It’s really for the enjoyment of the Chinoy friends or Filipino people,” ani Chua.

Bukod sa mango sticky rice, may iba’t iba pa silang flavor gaya ng cheese, peanut sesame, pandan, strawberry, salted egg, red beans at marami pang iba.

Pero sa kabila ng maraming flavor na pagpipilian, ang tradisyunal na flavor pa rin ang pinaka mabenta.

Kahit wala umanong kahulugan ang mga inilalalabas na bagong flavor, patuloy pa rin ang pag tangkilik ng mga kapwa Chinoy at Pilipino.

How useful was this post?

Athena Yap

She is a long time entertainment and lifestyle correspondent. She enjoys a ringside view of controversial events such as awards nights, break-ups and the ups and lows of prominent stars, among others.  She is also a content creator featuring beauty, fashion and travel tips and getaways.

Recent Posts

There’s no fault in this restaging of Sala Sa Pito

Boxstage Manila, FEU’s alumni FTG (FEU Theatre Guild), opened their doors for their restaging of…

7 hours ago

#BotoNgKabataan2025: Proclaimed mayors in Metro Manila

SEVERAL winners in the mayoral race have been proclaimed a day after the #BotoNgKabataan2025 midterm…

8 hours ago

Suarez-Navarrete Fight May End Without a Winner

ANOTHER controversial boxing match has made headlines in the community, with the outcome of the…

8 hours ago

Winning senators proclaimed by weekend, says Comelec

THE Commission on Elections (Comelec) announced that they are looking to proclaim all 12 winning…

9 hours ago

Brilliant Brunson and Knicks leave Celtics on brink

Brilliant Brunson and Knicks leave Celtics on brink New York, United States: Jalen Brunson scored…

14 hours ago

#BotoNgKabataan2025 Count Reaches Crucial 80% Threshold

FILIPINOS will soon know the full results of the 2025 National and Local Elections (NLE),…

14 hours ago