What's Happening?

Malolos anti-discrimination policy sa senior, LGBTQ+ kasado na

By Rommel Ramos

MALOLOS, BULACAN — Labinglimang mga senior citizen, may kapansanan at solo parent ang pinayagang makakapagtrabaho dito sa isang mall Malolos, Bulacan.

Bahagi sila ng pilot testing program ng lokal na pamahalaan ng Malolos para sa bubuuing bagong ordinansya na magtatakda ng polisiya na ipagbawal ang diskriminasyon sa trabaho.

Ayon kay Malolos City Mayor Christian Natividad, binabalangkas pa lang nila ang pagbuo ng ordinansa na nagtatakda sa mga establisyemento na tumanggap bilang mga empleyado mula sa naturang mga hanay ng senior citizen, PWD at solo parent.

Isang bagong tayong mall sa lungsod ang pinakiusapan nila na kuning empleyado ang limang senior, limang PWD at limang solo parent.

Sa ilalim ng panukalang anti-discrimination policy ng Malolos, ipagbabawal sa mga negosyo na discriminate ang mga senior citizen, PWD at solo parent.

Aniya, pati out-of-school youth, persons deprived of liberty o yung dating preso, LGBTQ+ at iba pang sektor isasama nila sa sasakupin ng ordinansya para maiwasan ang diskriminasyon sa pagtatrabaho.

Sina Gabriel Guevarra, 72, Marietta Larosa, 74, kasama sa mga tinanggap na empleyado ng bagong mall.

Hindi raw balakid sa kanila ang edad para makapaghanapbuhay pa at maitaguyod ang pamilya.

Anila, malaki ang kanilang pasasalamat kahit siya ay matanda na binigyan pa rin ng pagkakataon na makapagtrabaho  

Ayon naman kay Lezyl Hallegado, store officer ng Divi Mart, kaisa ang kanilang kumpanya para makatulong at mabigyan ng trabaho ang mga may kapansanan, matatanda at ang mga magulang na solong nagtataguyod sa kanilang mga anak.

Aniya suportado nila ang sinusulong na Anti-Discrimination Ordinance sa lungsod para ang lahat ay mabigyan ng pagkakataon na makapagtrabaho.

Maayos naman aniya na nagagampanan ng 15 empleyado na pawang mga Senior Citizens, PWDs at Solo Parents ang kanilang mga trabaho gaya ng ibang mga ordinaryong empleyado nila doon.

Courtesy ADB Flickr

How useful was this post?

RepublicAsia

Recent Posts

There’s no fault in this restaging of Sala Sa Pito

Boxstage Manila, FEU’s alumni FTG (FEU Theatre Guild), opened their doors for their restaging of…

16 mins ago

#BotoNgKabataan2025: Proclaimed mayors in Metro Manila

SEVERAL winners in the mayoral race have been proclaimed a day after the #BotoNgKabataan2025 midterm…

1 hour ago

Suarez-Navarrete Fight May End Without a Winner

ANOTHER controversial boxing match has made headlines in the community, with the outcome of the…

1 hour ago

Winning senators proclaimed by weekend, says Comelec

THE Commission on Elections (Comelec) announced that they are looking to proclaim all 12 winning…

2 hours ago

Brilliant Brunson and Knicks leave Celtics on brink

Brilliant Brunson and Knicks leave Celtics on brink New York, United States: Jalen Brunson scored…

7 hours ago

#BotoNgKabataan2025 Count Reaches Crucial 80% Threshold

FILIPINOS will soon know the full results of the 2025 National and Local Elections (NLE),…

7 hours ago