Ni Merlyn Manos
ILIGAN City – Isang batang babae ang nalunod sa rumagasang tubig dala ng walang tigil na pag-ulan kagabi sa Baroy, Lanao Del Norte.
Batay sa paunang report ng Provincial Disaster Coordinating Council ng Lanao De Norte, ang batang nasawi ay kinilalang si Laurence Grace Patarlas Rafols, walong taong gulang, taga Barangay Dalama.
Ayon sa PDRRMO, kahapon, nakaranas ng malakas pag-uulan at pagkulog ang Lanao del Norte dulot ng buntot Low Pressure Area (LPA).
Umapaw ang mga ilog at nagkaroon ng malawakang pagbaha maging sa kapatagan. Nagkaroon din pagguho ng lupa sa mga bulubunduking bahagi ng probinsya.
Nagsagawa ng pre-emptive at forced evacuationsa mga bayan ng Tubod, Baroy, Lala, Kapatagan at Salvador.
Ayon sa PDRRMO, umabot sa 1,227 pamilya o 5,759 katao ang inilakas sa limang bayan.
Sa Tubod, nagdeklara ang lokal na pamahalaan ng state of calamity.
Nawalan ng kuryente sa Brgy. Pigcarangan, Kalilangan, Malingao, Candis, Caniogan, at iba pang bahagi ng Poblacion.
Sinuspindi rin ni Mayor Jimmy Cabahug ang trabaho sa Tubod sa lahat ng establismento — sa gobyerno at private.
Ayon kay Vicmar Paloma, lider ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), 12 barangay ang naapektuhan ng matinding baha.
Nagsimula raw ang malaking baha sa ilang barangay sa Tubod, Lanao del Norte matapos umapaw ang Bulod River dahil sa walang tigil na pag-ulan.
Inabot ng baha ang Linamon- Zamboanga National Highway sa Pigcarangan to Poblacion. Nagsasagawa ngayon ng clearing operation sa lugar.
Ayon kay Maria Desiree Abella, residente ng Poblacion, tatlong bahay ang naanod sa gilid ng ilog. Buti na lang naiikas daw ng mga rescuer ang mga residente sa tabi ng ilog.
Sa bayan ng Lala, marami rin daw ang naapektuhan. Kwento ni Abella, ang bahay ng pamangkin nya ay naanod sa baha. Nakalikas din daw ang pamangkin nya bago tuluyang maanod ng baha ang bahay nito.
Patoloy ang pag asikaso ng mga MDRRMO ng mga apektadong bayan sa mga pamilyang lumikas.
Rome, Italy: Pope Francis was laid to rest in Rome Saturday after a Vatican funeral…
Vatican City, Holy See: The funeral of Pope Francis will take place in St Peter's…
Vatican City, Holy See: Hundreds of thousands of mourners and world leaders including US President…
Vatican City, Holy See: Tens of thousands of mourners flooded into St Peter's Square on…
Los Angeles, United States: The Minnesota Timberwolves turned it up late to beat the Los…
Vatican City, Holy See: World leaders will be in Rome on Saturday for Pope Francis's…