fbpx
Search
Close this search box.

Underwater prenup shoot, patok sa social media

by Bryan Gadingan

ISA sa kinakarir ng bawat couple bago ang big day–ang prenup shoot. Mahirap pumili ng sinasabing ‘perfect place’ na akma sa tema ng prenup, lalo’t kailangang swak din sa personalidad at kwentong pag-ibig ng mga ikakasal.

Pero para sa bride na si Precious Villacorta-Dayahan, underwater ang naisip niyang tema para sa kanilang prenuptial photoshoot ng asawang si Mark Anthony Dayahan, na hinangaan sa social media base sa isang balita mula sa ABS-CBN News.

Ang kanilang ideya para sa prenup photoshoot ay nakalinya sa naunang engagement proposal ng mister na ginanap sa isang beach, noong Agosto, 2023.

Ayon kay Precious hindi biro ang shoot sa ilalim ng dagat. Sinubok din ang kanilang pasensiya at katawan sa hirap ng shoot. Tulad na lang ng paghinga sa ilalim ng dagat kaya naman labis ang kanilang pagod sa pag-ahon at pagbalik sa ilalim upang ituloy ang pagkuha ng video.

Unti-unti, nakuha nila ang tamang paghinga sa ilalim ng dagat, at nairaos nang masaya at maayos ang photo at video shoot na kanilang pinaghandaan.

Screenshot from: @Mc Dayahan | Facebook

“Super saya po ng experience, nung una hirapan ako bago makapunta sa ilalim pero eventually nakuha ko yung tamang way at nakapagshoot kami ng maayos,” ibinahagi ni Precious sa Bayan Mo Ipatrol Mo.

“Sobrang patient lang talaga nung mga coaches namin kaya naging successful yung shoot,” idinagdag niya, habang ibinabahagi ang saya matapos ang matagumpay na pagkuha sakanilang prenup.

Payo ni Precious sa mga couples na nagbabalak ding subukan ang underwater photoshoot, lalo’t hindi pa marunong mag-freediving, kailangan lamang magtiwala sa kanilang mga sarili at makinig sa bilin ng mga coach.

Hindi pangkaraniwan ang prenup shoot nina Precious at Mark Anthony, kaya naman umani ito ng paghanga ng netizen. Dahil hindi lang basta-basta ang kanilang prenup shoot, sinikap nilang i-level up ang isa sa ‘once-in-a-lifetime experience’ ng kanilang pagmamahalan. 

Ikinasal sina Precious at Mark Anthony noong Enero 3, 2024 sa Lucena City, Quezon.

SUPPORT REPUBLICASIA

DON'T MISS OUT

We have the stories you’ll want to read.

RepublicAsia Newsletter