fbpx
Search
Close this search box.

Tofu na worth P3,000 pesos, gumulantang ng mamimili

by Bryan Gadingan

SA estado ng ekonomiya natin ngayon, at sa patuloy na pagmahal ng mga bilihin, nahihirapan ang mga mamamayan na patuloy na makapagtabi ng eksaktong halaga buwan-buwan para sa mga ito.

Kadalasan nga, sa konting pagtaas pa lang ng presyo ay malaki na ang epekto sa badyet na nakahanda para sa mga gastusin. Isa sa pinaka malaking epekto nito ay ang kawalan ng purchasing power ng mga mamamayan.

Kapag tumaas ang presyo ng bilihin, nawawala ang halaga ng pera, at nagiging rason kung bakit ang mga Pilipino ay mas konti na ang nabibili gamit ang parehas na halaga ng pera. 

Ngunit, mayroong nakakabahala na  karanasan ng isang mamimili na nag trending sa Facebook kamakailan lamang. Laking gulat niya ng makita ang resibo, dahil sa itinaas ng isang sangkap na binili niya.

Sa video, ipinaliwanag ng mamimili na hindi siya kadalasang sumisilip sa resibo matapos mamili. Ngunit dahil siya ay mayroong ibang pakiramdam, sinilip niya ang resibo ng kanyang napamili.

Screenshot from: Viral na, Trending pa | Facebook

“Today nag check ako, hindi naman talaga ako madalas mag check, pero nagtataka kasi ako. Feeling ko sobra ‘yung binayaran ko kaysa sa mga kinuha ko na grocery,” ipinaliwanag ng mamimili sa video.

Ito ay nag-udyok para silipin ng mamimili ang kanyang resibo, at laking gulat na lamang niya sa naging rason kung bakit umabot ng halos P20,000 ang kanyang bill matapos mag-grocery.

“So nagtataka ako bakit 20K ‘yung grocery ko,  and upon checking, mayroon ditong “Kitang/kg” na P3,677.30. Di ko lang alam kung ano yang “Kitang” na yan. So it’s better if we check it.” 

“Upon checking, nadiscover namin na tofu na worth 70 plus ang nakalagay, pero pag pinunch nila, 3,000 plus ang lumalabas. Oh diba? So paano kung hindi ka nag check ng resibo? Bye 3,000 plus!” sabi ng netizen. 

Screenshot from: Viral na, Trending pa | Facebook

At kahit pa nais nating sabihin na may posibilidad na ito ay isolated case lamang, maraming netizens ang nagbahagi ng kanilang experience na halos kaparehas, o kung hindi naman, at katulad talaga ng uploader na ito.

“Ako rin na experience ko yan, diko na nga binalikan kasi ang sabe saken sa susunod na grocery ko ibabawas nalang daw sa mga napamili ko. so ibig sabihin hindi nila na cancel yung dagdag na binayaran ko…” ibinahagi ng isang netizens sa comments section.

“May friend din ako naranasan yan hahahaha style ata talaga nila yan kaya palaging mahal napapamili dyan,” idinagdag niya.

Ang ibang netizens naman ay nagbahagi ng kung paano sila nalito sa ilang promo ng naturang grocery. Mayroong mga buy one take on na promotion, ngunit naka regular price daw nang i-punch sa counter ang lahat ng kinuha nila.

Patunay lamang ito na maaaring mangyari ang ganitong karanasan sa kahit sinong mamimili. Kaya naman mas makabubuti kung makaugalian ang pag-check sa mga resibo, grocery man o hindi.

Dapat din na maging leksyon ito sa mga retail companies na maging regular ang inspeksyon sa kanilang mga items at machine, upang makaiwas sa anumang anomalya. 

SUPPORT REPUBLICASIA

DON'T MISS OUT

We have the stories you’ll want to read.

RepublicAsia Newsletter