fbpx
Search
Close this search box.

Sinulog Fever is back! 650,000 swarm Cebu City

by RepublicAsia

Recently updated on January 17, 2023 04:20 pm

Ni Charlie Hera

CEBU CITY — Matapos ang dalawang taong hindi nasilayan ang pinakamalaking festival ng  bansa dahil sa COVID-19 pandemic, nadama muli ang diwa ng pyesta ng Poong Sto Niño o ang Sinulog Festival ng Cebu City.

Sinulog ‘revenge’

Halos di mahulugang-karayom ang mga  lansangang papuntang South Road Properies ( SRP ), ang bagong venue ng  Sinulog Festival  ngayong taon.

Kasama ng kanilang pamilya, kamag-anak, kaibigan at maging mga mag-nobyo’t nobya, lahat  nag-enjoy sa kababalik lang na Sinulog Festival.

Ramdam kung gaano sila kasabik masilayang muli ang Grand Parade ng mga dancing contingents ngayong taon.

Sa daan palang patungo sa SRP, Pit Señor na ang vibe na tanging  ang Sinulog Festival  lang  ang makakapagbigay. 

Nariyan ang  pagpa-painting sa mukha;  mga nakikisayang naka- t-shirt na may imprentang SINULOG; at may ilan ding  nagsuot talaga  ng  head dress na  angkop sa Sinulog.

Halos 650,000 katao sa Grand Parade

Photo courtesy: Cebu City PIO

Sa tala ng Cebu City Disaster Risk Reduction  and  Management Office  ( CCDRRMO),  as of 6:52 gabi ng January 15, umabot sa 649,400 ang bilang ng mga nanood  ng Grand Parade at ritual showdown ng Sinulog Festival. 

Ang Amerikanong si Andrew Tejada – sobrang enjoy sa Festival. 

“I enjoyed my time here. It’s been pretty cool, so far. And the festival has been pretty great,” Tejada said.

Traffficc!

Pero marami ding  mga taga-Cebu  ang  naperwisyo,  dahil maraming daan ang isinara dahil sa street dancing.

Mismong si Land  Transportation Office Region 7  Director Victor  Emmanuel Caindec ang nagmando ng trapiko sa loob ng apat na oras sa footbridge ng Barangay Mambaling.

Photo Courtesy: LTO -7

Fluvial procession Sabado

Sa fluvial procession Sabado ng umaga sa Cebu, kita ang  maigting na pananampalataya  ng mga Cebuano  para sa Poong Bata.

Halos 200 sasakyang pandagat ang sumama sa mismong  fluvial procession — 16 yate, 17 tugboats, 131 Motor banca  at 17 barkong  may bigat na 300 gross tonnage pababa.

Photo by Charlie Hera

Dagsa rin ang mga debotong nag-hinntay sa mga pantalan kung saan dinaan ang galyong may imahe  ni Señor Sto. Niño de Cebu.

Kasama ang imahe ng Our Lady of Guadalupe, isinakay ang imahe ni Señor Sto. Niño  sa barko ng Philippine Coast Guard, ang BRP CABRA.

Mula sa Naval Forces Central sa Lapu-Lapu City ay  inihatid  ang imahe ng balaang bata sa   Pier 1 sa Cebu City.

Nasa  kalahating oras  din ang itinagal ng naturang procession, ayon sa simbahan  ang oras na ‘yan ay  pasok   sa  kanilang tantsa..

Ang debotong si  Mary Jane,35-year-old,  dala-dala pa  ang kanyang sanggol  habang naghihintay sa pagdating ni Senyor Santo Niño mula sa fluvial procession.

Video by Charlie Hera

Kwento  niya  hindi daw niya  alintala ang nakakalulang dami ng tao at ang bigat ng kanyang dinadalang  sanggol  basta lang daw masilayan niya ang imahe ni Senyor Santo Niño bago ito maibalik sa Basilica Minore del Santo Niño de Cebu.

Ani ni Mary Jane okay lang daw  sa kanya ang maghintay nang matagal, ngayon lang din daw kasi niya ito nagawa muli  dahil sa pandemya.

 Ipinasasalamat niya ang  pagkakaroon ng pamilya. Dasal niya na sana bigyan  ng Panginoon ang mga ito ng malusog na pangangatawan.


Banner photo courtesy: Cebu City PIO/ Allan Defensor

SUPPORT REPUBLICASIA

DON'T MISS OUT

We have the stories you’ll want to read.

RepublicAsia Newsletter