fbpx
Search
Close this search box.
sb19

SB19, Apl.de.Ap, nag-collab para sa club anthem na ‘Ready’

by Joanna Deala

Recently updated on June 5, 2024 01:46 pm

A’TIN keeps on winning dahil may panibagong handog na namang banger song para sa kanila ang P-pop boy group na SB19.

Nakipagsanib-pwersa ang phenomenal quintet—na binubuo nina Pablo, Stell, Josh, Ken at Justin—kay Filipino-American hip-hop superstar Apl.de.Ap para sa bagong kantang pinamagatang “Ready,” na ni-release ngayong Biyernes, May 31.

Ang “Ready” ay isang club anthem na may bombastic beats at exciting sonic builds na siguradong magpapaindak sa mga fans at taga-pakinig nito.

Si Grammy award-winning record producer Keith Harris ang nag-produce ng kanta, kung saan pinaghalo niya ang pop, electronic, dance, at Afrobeats. Si Harris ay isa ring longtime collaborator ng grupong Black Eyed Peas na kinabibilangan ni Apl.de.Ap.

Sina Apl.de.Ap, Jean-Baptiste, Vince Nantes at Denzel ang nagsulat ng lyrics ng “Ready.” Tumulong din sa pagpulido ng kanta ang RADKIDZ na binubuo nina Pablo at ang kanyang kapatid na si Josue.

Sa press statement, ibinahagi ng pinakabatang miyembro ng SB19 na si Justin ang kanyang pakiramdam na makatrabaho si Apl.de.Ap, kahit na hindi sila nakapag-record nang sabay sa isang studio para sa “Ready.”

“We never got the chance to record together in a single booth, but Apl.de.Ap was such a great guy to work with,” ani Justin.

Dagdag niya, “It’s an honor to collaborate with a global superstar of his caliber. We’ve learned so much from his generosity and creative feedback.”

Para naman kay Stell, one for the books ang makatrabaho si Apl.de.Ap na tinitingala aniya ng SB19.

“It was something new for the group. We appreciate the chance to delve into new genres and production styles that come with unfamiliar territory,” wika ni Stell. “But with Apl.de.Ap at the helm of the creative process, we’re just blessed to take on this assignment. It’s not every day that you get to work with an artist you look up to.”

Inilabas ng SB19 ang “Ready” ilang linggo lang matapos nilang i-release ang kanilang summer song na “Moonlight,” kung saan nakipag-collaborate sila kanila US-based DJ Ian Asher at Chinese electronic producer Terry Zhong.

Unang napakinggan ng fans ang “Ready” sa unang araw ng “PAGTATAG!” finale concert ng SB19 ngayong buwan.

A’TIN celebrates

Happy at excited naman ngayon sa social media ang fans ng SB19, na kilala bilang A’TIN, dahil sa bagong kanta ng kanilang mga idolo.

Ang ilan sa kanila ay nagulat sa pag-release ng “Ready” dahil wala raw gaanong inilabas na teasers para rito.

Pinuri naman ng ibang fans si Justin, na proud na proud sa naging improvement ng kanyang vocal prowess sa “Ready.”

May ibang A’TIN naman ang umaasang mas marami pang maka-collab na artists ang SB19 sa hinaharap.

Follow republicasia on FacebookTwitter, and Instagram to get the latest.

SUPPORT REPUBLICASIA
TikTok star Mathilda Airlines, the new queer voice for the people

DON'T MISS OUT

We have the stories you’ll want to read.

RepublicAsia Newsletter