People

Angeli Khang, ititigil na ang pagpapaseksi?

Sino ang hindi nakakakilala kay Angeli Khang?

Mula sa mapangahas na mga pagan, nakilala si Angeli sa isang sikat na local streaming app.

Pero sa isang panayam sa podcast ni Nelson Canlas, inamin ni Angeli na gusto na niyang mag-level up mula sa mga mga pa-sexy roles.

Courtesy: Angeli Khang/X (formerly twitter)

“Kung ano man ang ibigay sa akin na project at blessings, tatanggapin ko. But as much as possible, I want to see myself and for people to see me more about my acting,” sinabi ni Angeli sa Updated na podcast ni Canlas podcast.

“Feeling ko po marami na akong nagawang movies na fresh breath naman sa another character, another genre, another craft na action naman. Sana naman next time mabigyan ako ng blessings na comedy,” hiling ni Angeli.

Courtesy: Angeli Khang/X (formerly twitter)

Nakasama si Angeli kamakailan sa action series ng GMA Network na “Black Rider.”


“To be honest, noong nabigay sa akin ang teleserye, ang daming nag-message sa akin, pati ang family ko, ang sabi ‘Wow mainstream naman! Mapapakita mo ‘yung sarili mo na hindi more on bed scenes, more on pa-sexy, ‘yung totoong acting mo,'” masayang kwento ni Angeli.

Pero aminado siya na nagkaroon rin ng sexy scenes siya at sa lead actor na si Ruru Madrid.

“Tapos pagkapunta ko po sa Black Rider, may sexy scenes pa rin po. Nag-message ako sa nanay ko sabi ko ‘Ma, may sexy scenes pa rin naman pero more on acting pa rin,'” sabi ni Angeli.

Para kay Angeli, hindi niya nakikita ang sarili bilang sexy actress.

“I don’t see myself as a sexy actress, kahit ayun ang sinasabi nila sa akin. I think I see myself as an actress… Kahit ano mang project, Kahit sexy man o hindi, artista pa rin po ako na ginagawa kung ano ‘yung mga ibinibigay sa aking project.”

Tutol ang magulang?

Aminado si Angeli na sa umpisa ay tutol ang kanyang ama, na isang military general, at kaniyang ina, na isang pastora na pumasok siya sa showbiz.

“Ang tatay ko po talaga, he’s a military general tapos ang gusto niyang ipagawa sa akin, more on marathon, sports, basketball, volleyball, taekwondo. Sabi niya sa akin, tomboy na tomboy,” sabi ni Angeli.

Courtesy: Angeli Khang/X (formely twitter)

Sinabi niya na ang nanay niya ang mahigpit na kumontra.

“Nagulat siya, sabi niya ‘Kailan ka pumasok diyan? Kailan ka nag-film?’ ‘Bakit ka nagdedesisyon sa sarili mo?’ High school pa lang ako noon. ‘Ano ang pangalan ng director saka ng may-ari niyang pinaggagawan mo? Ipagdadasal ko ‘yan,'” sabi aniya ng kanyang ina. Pero sa huli tinaggap ng magulang ang kanyang napiling propesyon.

“Sabi ng mom ko, ‘Basta wala kang natatapakan na tao, mahal mo ‘yung ginagawa mo, at masaya ka sa ginagawa mo, pagpatuloy mo lang ‘yan,’” kuwento niya.

How useful was this post?

Kiko Cueto

Recent Posts

The Unexpected Choice: How Pope Francis Rose to Power

FOLLOWING Pope Francis' passing on April 21, 2025, many devoted Catholics, particularly in the Philippines,…

13 mins ago

Netflix subscribers to pay higher fees beginning in June

FILIPINO users of streaming giant Netflix will have to pay higher subscription fees starting June,…

1 hour ago

Secrets, Scandals, and the Final Prophecy: The Conclave Begins

SMOKE has not yet risen, but in the days that will follow, something inside the…

1 hour ago

K-pop stars S.Coups of SVT, Lisa of BLACKPINK make Met Gala debut

FOR the first time, K-pop idols S.Coups of boy group SEVENTEEN and Lisa of BLACKPINK…

3 hours ago

Netflix Drops Teaser for Squid Game’s Final Season

CAPITALISM’S most brutal metaphor is back for the final round.  Netflix has finally dropped the…

4 hours ago

Palace declares May 12 elections as holiday

COINCIDING with the national and local midterm elections on May 12, 2025, Malacañang has declared…

4 hours ago