fbpx
Search
Close this search box.

Party goers sa Baguio, nagkagulo 

by Athena Yap

“THIS was my scariest party experience”

Ito ang paglalarawan ni Katie Baldemor sa naranasan niya sa kaniyang pagpa-party sa isang bar sa Baguio nitong Linggo November 20, 2022.

Wala pang isang linggo ang lumilipas, agad umabot sa mahigit 6 million ang views ng video na kaniyang ibinahagi sa Tiktok kung san kinuwento niya ang nangyari.

 Ayon sa kuwento ni Baldemor, biglang may nakababahalang usok silang nalanghap habang ineenjoy ang pagsasayaw sa bar.

https://vt.tiktok.com/ZS81QMKRn/

“There’s something na nalalanghap ko, sobrang kati sa lalamunan, I thought it’s just normal,” sabi ni Baldemor.

Kinalaunan ay pati aniya ang mga ibang tao sa paligid nila ay nag-uubuhan na rin.

“Then after like three minutes, yung mga kasama ko inuubo na din sa sobrang sakit ng lalamunan, hanggang lahat na ng tao inuubo,” dagdag pa niya.

Wala aniyang kinalaman sa COVID ang naranasan nila dahil ramdam talaga nila ang kakaibang usok na bumalot sa kanilang paligid.

Matapos nila mapansin ang di pangkaraniwang usok ay agad silang nag desisyon na lumabas para umiwas sa gulo.

“We are not yet sure kung ano ba yun, nagpanic na lahat ng tao,” kuwento pa ni Baldemor.

Kahit ilang araw na ang lumipas, hindi pa rin aniya maka-move on si Baldemor.

Maging ang mga nakapanuod ng video na nasa bar din noong araw na iyon ay naka-relate sa insidente at nag-panic.

Tumanggi na makipanayam ang uploader ngunit nagbitaw nalang ng katagang “It was very traumatizing at super unexpected,”

Samantala, sinubukan naman ng republicasia kumuha ng side mula sa Philippine National Police ngunit ayon sa pulis sa Station 3, wala pang nag-report sa kanila tungkol sa nasabing insidente.

Ang nasabing bar ay nagkaroon na dati ng record at napasara na isang buwan naang lumipas dahil sa umano’y diskriminasyon sa isang dayuhan na nais sanang pumasok para pumarty.

SUPPORT REPUBLICASIA

DON'T MISS OUT

We have the stories you’ll want to read.

RepublicAsia Newsletter