fbpx
Search
Close this search box.

P1SO Ball Patok sa Metro Manila

by Athena Yap

TRENDING ngayon ang promo ng IKEA Philippines na piso kada-meatball na inaalok ng kanilang Swedish restaurant bilang selebrasyon ng unang anibersaryo ng furniture shop.

Tama ang pagkaka-rinig mo, piso!

Sa halagang P1 makaka-bili ka na ng isang pirasong meatball na dati ay P850 per bucket na naglalaman ng 65 pieces o katumbas ng P13 kada piraso ng meatball.

Ang pa-piso promo na handog ni Tito Ball ng IKEA ay epektibo lamang sa araw ng kanilang birthday.

“The IKEA vision is to create a better everyday life for the many by serving them an honest and modern taste of Sweden they can trust and feel good about,” pahayag ng IKEA sa kanilang website.

Maliban sa sulit deal ng kanilang Swedish restaurant, maaari din makapamili ang mga shopper na may mega discount ng iba’t ibang items mula sa kanilang furniture shop.

Asahan ang mahabang pila dahil mula 17 percent hanggang 61 percent discounts ang inaalok ng pinaka malaking tindahan ng mga furniture.

Mapa-onsite o online, malayang sulitin ng mga shopper ang mega discounts na available hanggang November 27, 2022.

Ang IKEA ay matatagpuan sa Mall Of Asia Square sa Pasay City.

Nagbukas ang IKEA noong November 25, 2021.

Samantala, paalala naman ng IKEA na kapag dadayo sa kanilang anniversary sale ay dapat sumunod pa rin sa mga health protocols.

SUPPORT REPUBLICASIA

DON'T MISS OUT

We have the stories you’ll want to read.

RepublicAsia Newsletter