News

Tigil-pasada muling ikinasa

KASABAY ng inaasahang deadline sa consolidation ng mga public utility vehicles o mga lumang pampasaherong jeepney, nagkasa ang grupong Pagkakaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide o PISTON ng tigil-pasada sa darating na Abril 29-30.

Nauna dito ay kinalampag ng grupong PISTON ang Korte Suprema kaugnay sa hirit nilang petisyon sa temporary restraining order o TRO laban sa jeepney modernization program.

Mayroong ginawang kilos protesta ang grupo sa labas ng Korte Suprema kung saan hinimok nila ang mga mahistrado agad nang maglabas ng TRO.

“Dapat magsalita na ang Supreme Court. At kung hindi sila magsalita mayroon pa rin kaming supplemental petition na ihahain sa kanila,” sinabi ni Ruben Baylon, secretary general ng grupo.

“Umaasa pa rin kami na magbababa sila ng TRO panig sa mga mamamayan. Kung hindi, hindi kami mangingimi na ilaban ang tama sa kasalukuyan.”


Pero sakaling hindi magpalabas ng TRO, ay nagbanta silang itutuloy pa rin nila ang kanilang pamamasada kahit pa hulihin sila.

“Kahit dumating ang April 30,  bibyahe pa rin po ang mga operator na naninindigan para sa kanilang karapatan. Kung huhulihin, sanay na kami sa huli po. Araw-araw nahuhuli kami,” dagdag niya.

Pero naghahanda rin sila ng malawakang tigil-pasada sa April 29-30.

Anila, lalahok dito ang 250,000 na miyembro ng PISTON sa buong bansa.

“Pakiusap namin sa mga commuter na unawain ang kalagayan ng mga driver at operator dahil ito ay laban ng mga mamamayan. Ito ay laban ng malawak na sektor ng mga commuter,” sabi nito.

Unang sinabi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board at ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na huling palugit na sa franchise consolidation ang Abril 30. 

Sa ilalim ng Public Utility Vehicle Modernization Program, kailangan ng mga operator na magbuklod sa ilalim ng isang transport cooperative bilang unang hakbang sa fleet modernization.

How useful was this post?

Kiko Cueto

Recent Posts

Cardinals urge peace in Ukraine, Mideast ahead of conclave

Vatican City, Holy See: The Catholic cardinals gathered ahead of the conclave to elect a…

5 hours ago

The Unexpected Choice: How Pope Francis Rose to Power

FOLLOWING Pope Francis' passing on April 21, 2025, many devoted Catholics, particularly in the Philippines,…

8 hours ago

Netflix subscribers to pay higher fees beginning in June

FILIPINO users of streaming giant Netflix will have to pay higher subscription fees starting June,…

9 hours ago

Secrets, Scandals, and the Final Prophecy: The Conclave Begins

SMOKE has not yet risen, but in the days that will follow, something inside the…

9 hours ago

K-pop stars S.Coups of SVT, Lisa of BLACKPINK make Met Gala debut

FOR the first time, K-pop idols S.Coups of boy group SEVENTEEN and Lisa of BLACKPINK…

11 hours ago

Netflix Drops Teaser for Squid Game’s Final Season

CAPITALISM’S most brutal metaphor is back for the final round.  Netflix has finally dropped the…

11 hours ago