Sports News

SBP tumungo sa Las Vegas, paiigtingin ang Gilas Pilipinas Youth

MULA sa kanilang pagpapakita sa FIBA Under-17 Basketball World Cup, ang Gilas Pilipinas Youth ay naghahanap na ng panibagong manlalaro para sa kinabukasan ng koponan.

Matapos ang hindi magandang pagpapakita nila nitong nakaraang FIBA Under-17 World Cup, nais ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na makapag handa at paigtingin ang kanilang pool sa mga susunod na torneo.

Tumungo sa Las Vegas ang SBP upang maghanap ng mga talento sa ibang bansa para masiguro ang pagpapatuloy ng kanilang programa sa mga susunod na taon. 

Pinangunahan ito ni SBP executive director Erika Dy at ng iba pang opisyal, kasama ang talent identification head coach na si Norman Black sa pagpunta sa USA upang magsagawa ng showcase. 

Dito kinilala ni Dy ang mga Filipino-American players at pinag-usapan ang posibleng dual-citizenship nila upang makapaglaro sa susunod para sa bansa.

Hindi man naging maganda ang kanilang ipinikita kontra sa mga bigating bansa, ito pa rin ang kauna-unahang World Cup ng Under 17 koponan matapos ang anim na taon, kaya nais nila itong paghandaan ng mabuti.

Tim Cone: We need height

Umaasa naman si Gilas Pilipinas head coach Tim Cone na makahanap ang SBP sa Las Vegas ng mga nakababatang big man na maaaring maihahalintulad kina Kai Sotto, AJ Edu, at Carl Tamayo. 

Ang tatlong big man na ito ay dati nang naglaro para sa U17 na nakapasok din sa World Cup noong 2018, at nagtapos bilang 13th-ranked na koponan.

Photo Courtesy: FIBA

“It’s a real process that goes throughout the year. We only see the end result which is the Gilas team. But there is a lot of stuff going on with the youth teams,” sabi ng beteranong coach.

“The World Cup just finished in Turkey: That team was good, they just really lacked size. They need to go out and find guys that can compete at the world stage that are bigger. And that’s what Norman and Erika are looking to do.”

“It’s a real process that goes throughout the year. We only see the end result which is the Gilas team. But there is a lot of stuff going on with the youth team,” dagdag pa ni Cone.

Photo Courtesy: FIBA

Nakuha ng Pilipinas ang puwestong ito matapos ang kanilang historikal na laro sa 2023 FIBA U16 Asian Championship sa Qatar nitong nakaraang taon.

“The key is that [Dy] is trying to get younger players to get their passports by the age of 16.

And that needs to be communicated to the communities. She is basically looking for jewels in the rough that she can pluck out and continue the future of the program.” 

Samantala, ang Gilas Youth Under-18 na koponan naman ang susubok na makapasok sa World Cup at maglalaro sa FIBA U18 Asia Cup SEABA Qualifiers sa Kuala Lumpur, Malaysia ngayong Biyernes.

How useful was this post?

Bryan Gadingan

Recent Posts

The world leaders set to attend Pope Francis’s funeral

Paris, France: Numerous world leaders have announced they will travel to Rome for Pope Francis's…

51 mins ago

J-pop star Ayumi Hamasaki to bring ‘I am ayu -epi.II’ to more Asian cities

AS part of her 27th-anniversary celebration in the music industry, Japanese singer-songwriter Ayumi Hamasaki will…

2 hours ago

Pope Francis’s coffin carried to Saint Peter’s Basilica

Rome, Italy: Pope Francis's open coffin began its procession to Saint Peter's Basilica on Wednesday,…

3 hours ago

VNL Women’s Action to Thrill Cebu Fans in 2026 and 2027

THE VOLLEYBALL action in the Philippines continues, and there are no plans to stop, given…

4 hours ago

Electing a new pope: glossary of key terms

Vatican City, Holy See: Cardinals will take part in a conclave in the Vatican's Sistine…

5 hours ago

Miss U Organization strips Thailand’s Opal of her 3rd runner-up title

THAI beauty queen Suchata “Opal” Chuangsri no longer holds the Miss Universe 2024 third runner-up…

7 hours ago