News

Rider, gumanti ng asido sa Wattah Wattah Festival

ARESTADO ang isang lalaking motorista na nagsaboy diumano ng muriatic acid sa isang taong nanonood lamang sa nakaraang Wattah Wattah Festival sa San Juan City, noong Hunyo 24. 

Taun-taon idinaraos sa lungsod ng San Juan ang pista at kilala sa tradisyunal na basaang nagaganap. Ngunit ngayong taon, marami ang nagalit sa paraan ng pagsaboy ng tubig ng mga residente.

At dahil isang lalaki nga ang nainis sa ginawang pambabasa sa kanya, naisipan naman niyang gumanti gamit ang asido at isinaboy sa isang lalaking nanonood lang. 

Screenshot from: @gianrussel30 | TikTok

“Nilublob ko yung mukha ko sa balde para maano lang yung hapdi at sakit ng mata ko. Medyo iba yung paningin ko parang medyo malabo,” ibinahagi ng indibidwal na natalsikan ng asido.

Kinilala ng  pulisya ang rider na si Bonifacio Serrano Jr. na ilang taon ding nababasa at nasasaktan tuwing dumadaan ito sa lugar sa araw ng kapistahan, kaya naisipan daw nitong magdala ng asido.

“Yung mga past years ng festival ay nababasa siya, nasasaktan. So parang naghanda na siya if ever na gumanti,” ibinahagi ni San Juan City Police chief Coronel Francis Allan Reglos sa GMA News.

Nahaharap sa kasong physical injury si Serrano na agad ding pansamantalang nakalaya matapos magpiyansa. 

Abala nga ba ang pista?

Bumaha ng hinaing sa social media sa umano’y “nakaaabalang” Wattah Wattah Festival.

Tingin nga ng ilang netizenhindi na tama ang paraan ng pagsasaya ng ilang residente sa lugar. Ito ay matapos mag-trending ang mga bidyo ng basaan sa iba’t ibang social media platforms.

@gianrussel30 Happy Fiesta San Juan #fyp #fypシ゚viral #sanjuan #fiesta #tubig #basaan ♬ original sound – gianrussel30

“I experienced passing the San Juan fiesta twice and this is the most outrageous for me, so far. No discipline and uncontrollale behavior even the law enforcers. This should be banned for a year,” ibinahagi ng isang netizen.

Ilang video ang makikita na hinihiling na ng mga motorista na huwag silang basain dahil sila ay papunta sa trabaho, ngunit patuloy pa rin ang pagsaboy ng tubig sa kanila. 

May isang residente pa nga na nag-trending at humakot ng hindi magandang salita mula sa mga social media users, dahil kita sa larawan na nakadila pa ito habang nambabasa at tila nang-aasar pa.

Screenshot from: @gianrussel30 | TikTok

Kita rin sa ibang video na  hinaharang pa ng mga residente ang mga dumaraang sasakyan, habang ang iba naman ay binubuksan pa ang mga pintuan ng mga sasakyang hindi naka-lock.

Maraming estudyante rin at manggagawa ang naabala natapos mabasa ang kanilang uniporme, at ibang kagamitan.

“Yung friend ko nabasa yung laptop dumaan lng dyan d nya alm na fiesta iyak lahat ng files nya sa thesis nandoon. Kinakausap namin di na maka usap ng matino,” komento ng isang netizen sa TikTok.

“Call me K.J but what if kung may important meeting/presentation/interview that day,” tanong ng isang netizen na nagpapahiwatig ng kanilang dismaya.

Hiling naman ng ibang netizens na kung hindi kayang ihinto ang pagsasagawa ng ganitong klaseng selebrasyon, maghanda ng maayos na alternatibong ruta ang lokal na gobyerno ng San Juan.

Sa isang press conference, humingi naman ng paumanhin si San Juan City Mayor Francis Zamora sa hindi magandang ipinakita ng ilang residenteng wala sa ayos noong Wattah Wattah Festival.

“Ako po ay buong pagpapakumbaba sa lahat na naging biktima ng iilang mamamayan namin na nanggulo noong panahon ng aming kapistahan…panahon ng aming basaan,” sabi ni Zamora.

“Hindi ako papayag na ang imahe ay masira at sisiguraduhin ko na lahat ng yan ay makasuhan upang sila ay matuto ng leksyon dahil sinisira nila ang imahe at ang kapistahan ni San Juan Bautista.”

Ang mga mapatutunayang nanggulo sa pista ay maaaring pagmultahin ng P2,500-P5,000 at pwede ring makulong hanggang anim na araw sa ilalim ng City Ordinance No. 51, series of 2018.

How useful was this post?

Bryan Gadingan

Recent Posts

Cardinals urge peace in Ukraine, Mideast ahead of conclave

Vatican City, Holy See: The Catholic cardinals gathered ahead of the conclave to elect a…

4 hours ago

The Unexpected Choice: How Pope Francis Rose to Power

FOLLOWING Pope Francis' passing on April 21, 2025, many devoted Catholics, particularly in the Philippines,…

7 hours ago

Netflix subscribers to pay higher fees beginning in June

FILIPINO users of streaming giant Netflix will have to pay higher subscription fees starting June,…

8 hours ago

Secrets, Scandals, and the Final Prophecy: The Conclave Begins

SMOKE has not yet risen, but in the days that will follow, something inside the…

8 hours ago

K-pop stars S.Coups of SVT, Lisa of BLACKPINK make Met Gala debut

FOR the first time, K-pop idols S.Coups of boy group SEVENTEEN and Lisa of BLACKPINK…

10 hours ago

Netflix Drops Teaser for Squid Game’s Final Season

CAPITALISM’S most brutal metaphor is back for the final round.  Netflix has finally dropped the…

10 hours ago