News

Metro Manila, nakararanas ng matinding pagbaha

DALA ng malakas na ulan magmula kahapon, ilang pangunahing kalsada sa Metro Manila ang nakaranas na ng matinding pagbaha, habang patuloy na nananalasa ang habagat na pinapalakas ng Bagyong Carina.

Kaninang alas singko ng umaga, itinaas ng weather bureau na PAGASA ang red rainfall warning sa Metro Manila, Cavite, at Bataan, dala ng enhanced southwest monsoon o habagat.

Bukod pa rito inaasahan rin na patuloy na magdadala ng katamtaman hanggang matinding pag-ulan sa iba’t ibang lugar sa western portion ng Luzon, mula ngayong araw hanggang Biyernes. 

Photo Courtesy: Manila Public Information Office | Facebook

Ang panganib na kaakibat ng red rainfall warning para sa mga lugar na nakapailalim dito ay matinding pagbaha, lalong lalo na sa mga flood-prone areas. 

Hindi madaraanang kalsada

Inanunsyo na ng Malacañang ang suspensyon ng trabaho para sa mga opisina ng gobyerno at klase sa mga paaralan sa National Capital Region (NCR) ngayong araw, Hulyo 24, Miyerkules.

Ngunit, para sa mga manggagawa ng mga pribadong kumpanya, narito ang ilang malalaking daanan sa Maynila na nasa ilalim ng matinding baha, ayon sa Manila Public Information Office (MPIO).

“Not passable” o hindi na kayang daanan ng iba’t ibang klaseng sasakyan ang kahabaan ng Taft Avenue mula Finance Taft, Nakpil Taft, Pedro Gil Taft, Padre Faura, UN Ave., at Kalaw Taft.

Bukod pa rito, hindi rin kayang daanan ang Ayala Blvd., pati na rin ang España Blvd. Sa kasalukuyan, gutter high ang baha sa Dapitan, habang knee high naman sa Maceda, España cor. Maceda, at Florentino.

Photo Courtesy: Manila Public Information Office | Facebook

Base naman sa naging ulat ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) bandang alas siyete imedya ng umaga, ang Quezon City at nakararanas din ng pagbaha.

Gutter deep na halos 8 inches ang taas ang naghihintay para sa mga dadaan sa G. Araneta Ma. Clara SB, E. Rodriguez Araneta, at Balintawak NB. 

Sa Pasay City naman ay gutter deep (8 inches) ang Andrew Ave. Tramo, Roxas Blvd. Edsa NB Service Road, at EDSA Roxas Blvd. Heritage. 

Half tire deep (13 inches) at knee deep (19 inches) naman sa Airport Road – Domestic Road at sa EDSA Taft NB/SB

Storm signals at mga paghahanda

Ang Tropical Cyclone Wind Signal (TWCS) No. 2 ay nakataas parin sa Batanes, habang Signal No. 1 naman sa Babuyan Islands, northern portion ng Cagayan, at northern portion ng Ilocos Norte.

Paalala ng PAGASA na kung hindi kinakailangang umalis, ay mas mabuti ng manatili na lamang sa bahay. Huwag din munang bumiyahe, upang makaiwas sa anumang disgrasya.

Siguraduhin din na mayroong nakahandang emergency kit na naglalaman ng pagkain, tubig, gamot, at kagamitang pang ligtas tulad ng flashlight at battery, kung sakali man na hindi na makalabas o mawalan ng kuryente.

How useful was this post?

Bryan Gadingan

Recent Posts

Miss U Organization strips Thailand’s Opal of her 3rd runner-up title

THAI beauty queen Suchata “Opal” Chuangsri no longer holds the Miss Universe 2024 third runner-up…

2 hours ago

Pope’s trusty ‘Camerlengo’ to run Vatican in wake of Francis’s death

Vatican City, Holy See: With Pope Francis's death, the immediate running of the Vatican is…

2 hours ago

UPLB: The campus that chose me

EVERYONE dreams of UP Diliman.  It’s the image planted in our minds when we talk…

3 hours ago

#BotoNgKabataan2025: A step-by-step guide to find your precinct number for Eleksyon 2025

FINDING your precinct number for the 2025 mid-year elections has been made easier. The Commission…

3 hours ago

#SummerGlowUp: Love on a budget? Here are 5 affordable dating spots this dry season

FINDING the perfect dating spot during the dry season takes more than regular effort. The…

3 hours ago

Eala Charges Ahead in Madrid Open After Beating Tomova

ALEX EALA, much like in her previous WTA 1000 event, will advance to the next…

4 hours ago