News

Lumang bayan ng Pantabangan, muling lumitaw sa mapa

INSTANT tourist attraction ngayon ang paglitaw ng isang lumang bayan na dati nang naglaho sa mapa ng Nueva Ecija.

Photo Courtesy: Maridy Balete Lopez | Facebook

Dekada 70 ng sadyang abandonahin at palubugin ang bayan ng Pantabangan nang itayo ang water dam. Nasa 2,000 residente ang pinalikas nang itayo ang Pantabangan Dam. Ngayon, isa na itong multi-purpose dam na ginagamit sa irrigation, hydroelectric power, at nagsisilbing flood control sa rehiyon.

At panaka-nakang lumilitaw ito kapag sobrang baba ng lebel ng tubig.

At ngayong bumaba ang lebel ng tubig sa probinsiya bunsod ng El Niño, kita na muli ang dating St. Andrew the Apostle Parish Church na isa sa mga sikat na landmarks ng dating bayan. Kita rin ang dating sementeryo.

Photo Courtesy: Tal Pineda | Facebook

“Yung pagkakalitaw ng lumang bayan natin siguro ay dahil ngayon ay ika-golden anniversary,” pabirong kwento ni Mayor Roberto Agdipa sa GMA Regional TV One North Central Luzon.

Ayon pa sa ulat ng GMA Regional TV kahapon, May 2, nakapagdaos pa ng misa ang Diocese ng San Jose, Nueva Ecija sa ibabaw ng lumubog na bayan ng Pantabangan.

Sa kasalukuyan, dinarayo ng mga turista upang masilayan ang lumitaw na bayan ng Pantabangan, pati na rin ang mga dating residente nito.  

Pero hanggang alas-12 ng tanghali lamang pwedeng bisitahin ang lugar, dahil ayon sa otoridad, malalakas at malalaki ang alon sa hapon at baka hindi kayanin lalo ng maliliit na bangka.

Labis naman ang tuwa ng mga bangkero dahil kahit pa sobra ang init ngayong panahon, nagkaroon sila ng pagkakakitaan. 

“Nababalitan namin itong Pantabangan at napapanood sa news, pagkakataon na naming pasyalan to,” ayon kay Hervy Santos.

Mula 2020, ito na ang ika-anim na beses na nasilayan ang lumang bayan ng Pantabangan, ayon sa local tourism office ng lugar. At dati nang idineklarang  heritage zone ang “Old Pantabangan Ruins”.

“Kapag heritage zone po kasi dapat natin protektahan ito, para makita pa ng mga susund na henerasyon,” ayon kay Emisonia Gante, tourism officer ng Pantabangan. 

How useful was this post?

Bryan Gadingan

Recent Posts

#BotoNgKabataan2025: Does Celebrity Endorsement Win Gen Z Votes?

WITH only a few days until the 2025 National and Local Elections (NLE) in the…

10 hours ago

The Silence Amidst a Cheering Crowd

To have your name called or to be even included. Wouldn’t it be nice to…

11 hours ago

Leo XIV, first US pope, to celebrate first mass as pontiff

Vatican City, Holy See: Pope Leo XIV will celebrate mass Friday, the day after becoming…

11 hours ago

‘Stop, You’re Losing Me:’ Decoding Taylor Swift’s Heartbreak Anthem

THE pulse slowly fades. The connection that was once shared is losing. As it happens,…

12 hours ago

The People’s Pontiff? Meet Pope Leo XIV

ROBERT Francis Prevost’s name was nowhere near the list of frontrunners and favorites when articles…

12 hours ago

Senators, salaries, and standards: What voters should know before May 12

VOTERS prepare as campaign jingles flood our streets and screens, and the countdown to the…

12 hours ago