MAY handog na libreng sakay para sa mga kababaihang pasahero ang MRT3, LRT2 at Philippine Coast Guard bilang pagdiriwang ng Women’s Month.
Libreng makakasakay ang mga babaeng pasahero sa MRT3 at LRT2 mula 7 a.m. hanggang 9 a.m., at mula 5 p.m. hanggang 7 p.m. sa Biyernes, Marso 8.
Ang PCG naman ay nag-aalok ng libreng sakay sa bus mula Parañaque Integrated Terminal Exchange hanggang Cubao terminal at pabalik sa Marso 6, 13, at 20 (6 a.m. at 5 p.m.)
“Ang libreng sakay po ay simpleng paraan ng MRT3 upang ipakita ang suporta sa bawat Juana at ang aming pasasalamat sa napakahalagang ambag ng mga kababaihan sa pagsulong ng kaunlaran ng ating bansa,” saad ni Transportation Assistant Secretary for Railways at MRT3 officer-in-charge Jorjette Aquino.
”Sana po sa simpleng paraan po namin ay maramdaman ninyo na mahalaga kayo sa amin,” ayon kay Light Rail Transit Authority Administrator Hernando Cabrera.
FILIPINOS continue to flock to their respective polling precincts to exercise their right to vote…
REPORTS of overvoting have flooded social media as Filipinos cast their ballots on May 12,…
THERE was a time when radio airplay and TV guestings were the ultimate markers of…
THE COMMISSIONS ON ELECTIONS (COMELEC) made a website for voters to easily access their respective…
FINALLY, the long-awaited 2025 National and Local Elections (NLE), also known as the #BotoNgKabataan2025, began…
YESTERDAY, I found myself in the middle of a sweltering crowd at a bus station…