News

DOH pinag-iisipang ipagbawal ang ‘mukbang’ content

PINAG-IISIPAN ngayon ng Department of Health (DOH) kung nararapat bang ipagbawal ang paggawa ng content habang nag-mumukbang. Ito ay matapos ang pagkamatay ng isang vlogger nang dahil sa stroke.

Kamakailan nga lang ay pumanaw ang isang food vlogger mula sa Iligan City na pinaghihinalaang mukbang ang rason kung bakit ito nakaranas ng stroke.

Ito ay matapos gumawa ng content habang kumakain ng pritong manok si Dongz Apatam noong Hunyo 14.

Pero ang naging resulta ay stroke.

At makalipas ang 24 oras ay hindi pinalad na namatay siya.

Dumepensa naman ang kapatid nito na si Leah sa GMA News, nang makatanggap ng kritisismo sa madla at sinabing hindi raw ito malakas kumain at hindi rin matatabang pagkain lang ang ginagawa content. 

Ngunit, kung totoo man ang depensa ni Leah, paanong ikinamatay ni Dongz ang pag-mumukbang? Ano nga ba ang mukbang at paano ito magiging delikado para sa isang tao.

Ano ang mukbang?

Ang “mukbang” ay isang online trend mula sa South Korea kung saan ang mga tao ay kumakain ng malaking halaga ng pagkain habang naglalivestream at nakikipagkwentuhan sa kanilang mga viewers.

Ngunit, maaaring tila isang simpleng kaligayahan o entertainment lamang sa unang tingin, mayroong ilang mga delikadong aspeto na kaugnay sa mga mukbang contents online.

Ang mukbang ay maaaring magdulot ng labis na pagkain o binge-eating, na maaaring magresulta sa mga problema sa kalusugan tulad ng labis na timbang, cardiovascular issues, at iba pang sakit. 

Photo Courtesy: Unsplash

Ang patuloy na pagkain ng malaki at mataba na pagkain nang regular ay maaaring magdulot ng mataas na cholesterol, diabetes, at iba pang komplikasyon sa kalusugan.

Ayon sa isang sikat na cardiologist na si Dr. Tony Leachon, nagkaroon daw ng blood clots sa utak si Dongz. 

“Ibig sabihin, tumaas ang blood pressure niya, pumutok yung ugat sa brain niya. So, ang ikinamatay niya, eh, hemorrhagic stroke,” sabi ni Leachon.

Ayon kay Leachon, posibleng may kinalaman ang kinakain at kung gaano ito kadalas o karami na kinakain sa nangyari, na maaari ding sa iba.

“Maalat ang kinakain, pangalawa, siyempre, ang pagkain niyan, eh, karne. Everyday mo gagawin yan, magbabara yung ugat mo sa brain. So stroke pa rin, eh, kamamatay mo yan. The other one, puwede ka rin magka-heart attack,” dagdag nito.

Babala ng DOH

Naglabas naman ng pahayag si Health Secretary Teddy Herbosa tungkol sa pagkamatay ng naturang vlogger, at inihayag na pinag-aaralan na nilang ma-regulate ito dahil sa insidenteng nangyari.

“It’s a bad practice because people make content by overeating. Overeating is not healthy. It will lead to obesity that will lead to hypertension, heart conditions, non-communicable diseases, and even heart attacks,” ibinahagi ni Herbosa 

Bukod pa rito, ang mukbang tila ba’y isang nakakahawang kasanayan. Binanggit din na may pag-aaral na nagpapakita na ang pagnood ng mukbang ay maaaring mauwi sa eating disorder at internet addiction.

Photo Courtesy: Unsplash

“Because other people copy it. Other people will also do the same because they earn money from doing a video blog of mukbang. So, it’s risky for them.”

“It’s asking, making people eat like gluttons. You can earn income as long as it does not produce health risks. If you’re earning from something that is a public health threat, I will have to stop you,” dagdag pa niya.

Sa kasalukuyan, pinag-aaralan pa ng kalihim kung may koneksyon nga ba ang pagkamatay ni Dongz sa pagmumukbang. Ito nga ay matapos atakihin pagkatapos gumawa ng mukbang content.

Paliwanag ng mukbang vloggers

Dumipensa naman ang ilang mukbang vloggers patungkol sa naging usapin na i-ban ang pag-mumukbang dito sa bansa. Ika nga nila, mayroong mga manonood na natutulungan ng ganitong content.

“May mga viewers po kami na may mga sakit, mga walang gana pong kumain, na nagpapasalamat po sa amin dahil nagkakaroon po sila ng gana kapag napapanood po yung mga video namin,” paliwanag ni Richard.

Ibinahagi pa niya na isang beses lamang siya kumain sa loob ng isang araw. Bukod pa rito, siya rin ay disiplinado sa kantang low carb diet upang mapanatili sa mabuting lagay ang kanyang kalusugan.

Sinusuri na rin ng video streaming platform na YouTube ang mga content na katulad nito, lalo na raw ang mga bidyo na katulad nitong may eating disorders. 

How useful was this post?

Bryan Gadingan

Recent Posts

Workers get free rides for MRT and LRT on April 30 to May 3

AS a tribute to the Filipino worker, President Ferdinand R. Marcos Jr. announced that workers…

40 mins ago

Touching grass: 3 adventure stories written by walking

THE MOST basic means of getting from one point to another which some do not…

1 hour ago

Eala Receives Recognition from Philippine Embassy in Spain

THE Filipina tennis sensation Alex Eala's achievements and histories she broke are still being recognized,…

2 hours ago

Mister Pilipinas 2025 Crowns Kirk Bondad and Other Winners

AFTER narrowly missing out on an international title just months ago, Kirk Bondad is back…

2 hours ago

UE Offers Fitness and Sports Management Degree Program

THE University of the East (UE) Manila recently launched a Bachelor of Science in Exercise…

2 hours ago

OFWs thankful for being part of ‘Konsyerto sa Palasyo’ 2025

WITH only a few days left before the celebration of Labor Day, the Philippine government…

2 hours ago