FIRST date gone wrong? Sino nga bang mag-aakala na ganito ang magiging takbo ng inyong first meetup ng ka-date mo: Tinakbuhan ka na, tinangay pa ang sasakyan mo.
Screenshot from: GMA 24 Oras
Isang babae ang inaresto sa Pedro Gil, Sta. Ana, Manila matapos nitong tangayin at ibenta ang SUV ng kanyang naka-date na nakilala niya sa isang dating application.
Ayon sa ulat ng GMA “24 Oras,” ang suspek at ang kanyang biniktima ay nagkakilala sa isang dating app, at naisipan nilang magkita upang magkaroon ng oras para sa isa’t isa sa isang resort sa Rizal.
Ayon sa biktima, matapos nilang makainom ng kaunti, bigla na lamang siya nag-blackout. Pagkagising niya, wala na ang kanyang ka-date, tangay na rin nito ang kanyang sasakyan at iba pang kagamitan.
Screenshot from: GMA 24 Oras
“Sabi ng victim, hindi siya naniniwala na ordinaryong alak ‘yung ininom niya… Kung pagbabasihan ang kaniyang testimonya, baka po mayroong nilagay sa kaniyang iniinom,” ayon kay PNP Highway Patrol Group Task Force Limbas Chief Police Colonel Joel Casupanan.
Makalipas ang tatlong araw, nakita ng biktima na binebenta na online ang sasakyan na nagkakahalaga ng P1.3 milyon, sa presyong P240,000 lamang.
“’Yun pong conduction sticker, is hindi po inalis. Yung sasakyan na halagang P1.3 Million sa market is ibinebenta niya sa P240,000,” idinagdag ni Casupanan.
Agad namang lumapit ang biktima sa Task Force Limbas, at matagumpay naman nilang nahuli ang suspect na meron na palang kaparehas na kaso noon pa.
“Sabi po niya kailangan niya ng pera dahil may pamilya siya, pero hindi niya itinatanggi na nagsusugal siya. Based sa investigation at sa aming research, meron siyang same na modus na ginawa sa Manila at Parañaque,” ibinahagi ni Casupanan.
Binalaan naman ni Casupan ang publiko sa pagbili ng sasakyan na bagsak ang presyo. Nakabubuti raw na kumonsulta muna bago ito bilhin, lalo na kapag hindi tugma ang halaga at ang model ng sasakyan.
“Kapag bibili po ng sasakyan, lagi pong kumonsulta sa HPG o hindi kaya sa LTO. Lalong lalo na po kung ang presyo ng sasakyan ay hindi po akma sa kanyang modelo,” payo ni Casupan.
Bilang isang payo, mabuting kilalanin ng husto ang mga nakakausap online bago tuluyang makipagkita. Higit na makabubuti rin kung umiwas muna sa pag-inom, dahil may posibilidad na malasing at mapagsamantalahan.
Los Angeles, United States: The Indiana Pacers came from behind to send the Cleveland Cavaliers…
Vatican City, Holy See: Pope Leo XIV on Wednesday offered to mediate between leaders of…
When you hear the word "pageant," chances are you picture evening gowns, tiaras, and sparkling…
THE National University (NU) Lady Bulldogs will meet the De La Salle University (DLSU) Lady…
EVER wondered what really defines beauty for our Miss Universe Philippines queens? Spoiler alert: it’s…
IT has been a mystery for Filipino ENGENEs, or fans of K-pop boy group ENHYPEN,…