News

Alternative Delivery Mode sa mga eskuwelahan sa QC, epektibo na

NABAGO na ang setup sa mga paaralan dahil sa El Niño upang makaiwas ang mga estudyante sa health issues dala ng matinding init.

Una nang nag-abiso ang Department of Education (DepEd) na may karapatang magsuspinde ang mga opisyal ng paaralan ng in-person class dahil sa matinding init o anumang kalamidad.

Isa na ang Quezon City sa mga paaralang bumalik muna sa online class o Alternative Delivery Mode (ADM) upang matiyak ang kaligtasan ng bawat estudyante sa lungsod.

Laman ng anunsiyo ng QC LGU ang magiging takbo ng kanilang klase hanggang matapos ang school year.

“QCitizens, dahil sa pananatiling heat index sa 40°C at inaasahang pagtaas pa nito sa mga susunod na araw, magkakaroon ng pagbabago sa face-to-face class schedule sa mga pampublikong paaralan sa Quezon City simula May 8, 2024,” ayon sa kanilang Facebook post.

“Alinsunod sa DepEd Schools Division Memorandum No. 511, na inilabas noong Abril 6, 2024, ang mga klase ay lilipat sa limitadong face-to-face kapag umabot sa 40°C o higit ang heat index para sa mga gawain na kinakailangan para sa katapusan ng taon sa paaralan.”

Ayon pa sa Quezon City LGU kung ang temperatura ay nasa 39°C lamang, maaaring bumalik sa full face-to-face ang klase sa lahat ng paaralan, maliban na lang kung pinayagan na mag-blended learning.

May karapatan din ang mga magulang na magpasya kung papapasukin ang mga anak kapag masama ang pakiramdam, may kondisyon sa kalusugan at maaaring magkasakit dahil sa tindi ng init.

Kinakailangan lamang makipag-ugnayan sa mga opisyal o guro ng paaralan upang mabigyan ang bata ng angkop na learning set-up.

Sakop lamang nito ang pampublikong paaralan. Nakadepende naman sa mga opisyal ng pribadong paaralan ang pagsuspinde ng pasok, ngunit mas makabubuting sundin na rin ang anunsyo ng LGU o ng national government. 

Usap-usapan din nitong nakaraang araw ang napipintong pagbalik sa dating school calendar. 

Para sa nakararami, hindi nakabubuti na pumapasok pa ang mga bata sa buwan ng Abril at Mayo, lalo’t nakakaapekto sa maraming mag-aaral sa bansa ang matinding init dulot ng El Niño.

How useful was this post?

Bryan Gadingan

Recent Posts

There’s no fault in this restaging of Sala Sa Pito

Boxstage Manila, FEU’s alumni FTG (FEU Theatre Guild), opened their doors for their restaging of…

5 hours ago

#BotoNgKabataan2025: Proclaimed mayors in Metro Manila

SEVERAL winners in the mayoral race have been proclaimed a day after the #BotoNgKabataan2025 midterm…

6 hours ago

Suarez-Navarrete Fight May End Without a Winner

ANOTHER controversial boxing match has made headlines in the community, with the outcome of the…

6 hours ago

Winning senators proclaimed by weekend, says Comelec

THE Commission on Elections (Comelec) announced that they are looking to proclaim all 12 winning…

6 hours ago

Brilliant Brunson and Knicks leave Celtics on brink

Brilliant Brunson and Knicks leave Celtics on brink New York, United States: Jalen Brunson scored…

11 hours ago

#BotoNgKabataan2025 Count Reaches Crucial 80% Threshold

FILIPINOS will soon know the full results of the 2025 National and Local Elections (NLE),…

12 hours ago