fbpx
Search
Close this search box.

Musical adaptation ng ‘Bar Boys,’ ipalalabas sa Mayo

by Joanna Deala

ISANG 30-segundong teaser ng ‘Bar Boys’ musical ang inanunsyo ng Barefoot Theater Collaborative sa Facebook.

Sa teaser, makikita ang aktres na si Sheila Francisco na nagbaba ng dalawang makakapal na libro at papeles sa mesa at sinabing, “Dear, future lawyers.”

Gagampanan ni Francisco ang karakter ni Justice Hernandez sa musikal, na unang binigyang buhay ng beteranong aktres na si Odette Khan sa pelikula.

“Catch #BarBoys2024 this MAY as we bring the musical adaptation of Kip Oebanda’s film to the stage!” nakasaad sa promotional poster ng theater company ng musical adaptation.

Sa ngayon, wala pang detalye sa  presyo ng tickets at full cast ng musical.

Noong Abril 2023 unang inanunsyo ang musical version ng comedy-drama film. Ito’y isasalin ng direktor at playwright na si Pat Valera.

Ang two-time Palanca awardee din ang playwright at direktor ng musikal na “Mula sa Buwan,” na pinagbibidahan nina Gab Pangilinan at Myke Salomon.

Sa direksyon ni Oebanda, ang “Bar Boys” ay tungkol sa magkakaibigang nangarap mag-abogasya na ginampanan nina Rocco Nacino, Carlo Aquino, Enzo Pineda, at Kean Cipriano.

Kabilang din sa cast sina Anna Luna, Mailes Kanapi, Sebastian Castro, Rener Concepcion, Vance Larena, Maey Bautista, Irene Celebre, Pontri Bernardo, at Hazel Faith Dela Cruz.

Noong 2017 nang unang ipinalabas ang pelikulang “Bar Boys” bilang isa sa mga official entry ng Pista ng Pelikulang Pilipino.

Nagwagi ng tatlong best supporting actress awards si Khan mula sa FAMAS, Gawad Urian, at PMPC Star Awards noong 2018 dahil sa kanyang pagganap sa naturang pelikula.

SUPPORT REPUBLICASIA

DON'T MISS OUT

We have the stories you’ll want to read.

RepublicAsia Newsletter