fbpx
Search
Close this search box.

Melai Cantiveros, hinirang na honorary ambassador ng Korean Tourism Organization

by Joanna Deala

LABIS ang pasasalamat ngayon ng Pilipinang komedyanteng si Melai Cantiveros nang mapili siyang bagong honorary ambassador para sa Korea Tourism Organization (KTO).

Sa Instagram post ni Melai, makikita ang ilang litrato at video ng kanyang ceremonial appointment kasama ang kanyang asawa na si Jason Francisco, mga anak na sina Mela at Stela at kanyang ina.

“Kamsahamnidaaa mga Kamsamiii kung ‘di dahil sa inyu ‘di kami mapipili na maging ambassador and ambassadress ng KTO as Korean Tourism Ambassador Family,” pahayag ni Melai.

Ibinahagi rin ni Melai sa kanilang supporters ang bagong achievement pati na rin ang kanilang adventures sa South Korea.

“This appointment ay para sa inyo, at ina-appoint namin kayo mga Kamsamiii na Best Viewers Awards,” dagdag ng komedyante.

Proud na proud naman ang mga kasamahan ni Melai sa entertainment industry, tulad nina Jennica Garcia at Jolina Magdangal.

“Congratulations MELASON Fam!!!” comment ni Jenica.

“Congrats!!!!!!!!!!!!!!!! Ang saya saya!!!!!!!!!” sabi naman ni Jolina, na co-host niya sa talk show na “Magandang Buhay.”

Natuwa rin ang netizens para kay Melai at pabirong sinabing pinatunayan niyang isa siyang “first honor” at “valedictorian.” 

Nitong nakaraang taon bumida si Melai sa action-comedy film na “Ma’am Chief: Shakedown in Seoul,” sa direksyon ng events host at content creator Kring Kim. Ito rin ng cinematic debut ng PULP Studios, isang subsidiary ng PULP Group Inc.

Sa pelikula, ginampanan ni Melai ang karakter ng isang pulis na nagpanggap bilang isang tour guide para mahuli ang isang kriminal na tumakas at nagtago sa South Korea. 

May special appearances din dito ang South Korean stars na sina Lee Seung-gi at Do Ji-han. Kasama din sa pelikula sina Jennica, Karylle, at Alora Sasam.

Dahil sa kanyang performance, nanalo si melai ng AAA Best Actor Award mula sa prestihiyosong Asia Artist Awards (AAA) na ginanap nitong nakaraang taon sa Philippine Arena sa Bulacan.

SUPPORT REPUBLICASIA

DON'T MISS OUT

We have the stories you’ll want to read.

RepublicAsia Newsletter