fbpx
Search
Close this search box.

Megan Young, nag-sorry nang batikusin sa Miss World 2024

by Joanna Deala

HUMINGI ng paumanhin si Miss World 2013 Megan Young nang umani ng batikos ang pag-aayos niya ng buhok ni Miss Botswana Lesego Chombo sa katatapos lang na Miss World 2024 pageant.

Co-host si Young sa coronation night ng 71st Miss World competition noong Sabado, March 9, sa Mumbai, India.

Sa video clip na pinost ng Missosology sa Facebook, makikitang inayos ng Kapuso actress ang buhok ni Chombo bago siya sumagot sa question-and-answer portion ng kompetisyon. 

Hindi naman ito nagustuhan ng ilang netizens na nagsabing ‘disrespectful’ at ‘culturally insensitive’ ang ginawa ng Pinay beauty queen.

Paliwanag ni Young, nais lamang daw niyang tulungan si Chombo, pero nabigo aniya siyang tingnan ang “bigger picture” ng kanyang ginawa.

“This could have caused distress during that moment and I have been made aware that culturally, this is unacceptable,” sabi ni Young.

Ayon sa actress-beauty queen, kinausap na niya privately si Miss Botswana at humingi na rin daw siya ng paumanhin.

Nag-sorry din si Young sa mga nakakita ng kanyang ginawa para sa “discomfort” at “confusion” na posibleng naging resulta ng kanyang gesture.

“It was a thoughtless and disrespectful act, and I take full responsibility for it,” sabi ni Young.

Binigyang-diin din niya na hindi niya intensyong manghimasok sa personal space o gawing uncomfortable ang sinuman.

“I deeply regret my actions and I will strive to be more mindful and respectful in the future,” ani Young.

Naglabas din ng pahayag si Chombo kung saan pinasalamatan niya ang mga naging concern para sa kanya, pero hindi raw siya masayang may nababatikos para sa kanyang kapakanan.

“Please be kinder, please to Krystyna [Pyszková], to Megan, be kinder,” pahayag niya.

Comments ng netizens

Umani ng samu’t saring reaksyon online ang nangyari. Ilang netizens ang binatikos at kinuwestyon si Young.

“Why did you touch our queen’s hair[?] That hair was perfectly fine!” sabi ng isang netizen.

Saad din ng isa pang social media user, “That’s inappropriate. What were you thinking? Ms Botswana was distracted because of that.”

Inakusahan din si Young ng “witchcraft” at pagsabotahe umano sa performance ni Chombo sa Miss World pageant.

Ayon sa article ng digital publication na Right as Rain, napakahalaga ng buhok para sa African women dahil ito’y “deeply connected” sa kanilang pagkakakilanlan, pamilya, at komunidad.

May ilang netizens naman ang nagtanggol sa Pinay beauty queen at sinabing kind gesture lamang iyon ni Young.

“She was not aware of your traditions. Filipinos are kind and caring in nature,” comment ng isang netizen.

Dagdag niya, “She doesn’t deserve to be bashed like that. If you only knew how kind hearted and private Megan is.”

‘Grateful’ at ‘nostalgic’

Si Young ang kauna-unahang nag-uwi ng Miss World title ng Pilipinas noong 2013. 

Isa ang Miss World sa major international pageants bukod sa Miss Universe, Miss International, at Miss Earth.

Ayon kay Young, “feeling grateful and nostalgic” siya nang bumalik siya sa Miss World stage bilang co-host kasama ang Indian TV personality na si Karan Johar.

Sa Instagram, nagpost si Young ng kanyang mga larawan kung saan makikitang suot niya ang fiery red gown na masterpiece ng Filipino fashion designer na si Francis Libiran.

“Stepping back onto this stage is an emotional trip, reminiscing about wonderful events and fulfilled dreams,” sabi ni Young.

71st Miss World results

Samantala, si Pyszková ng Czech Republic ang kinoronahan bilang bagong Miss World, kasunod ni Karolina Bielawska ng Poland.

Ito ang ikalawang Miss World crown ng Czech Republic, matapos itong mapanalunan ni Taťána Kuchařová noong 2006.

Sina Yasmina Zaytoun ng Lebanon, Aché Abrahams ng Trinidad and Tobago at Chombo ang tinanghal na “continental winners” sa 71st Miss World pageant.

Maaga namang natapos ang Miss World journey ng pambato ng Pilipinas na si Gwendolyne Fourniol nang hindi makapasok sa Top 40.
Gayunpaman, nag-qualify naman si Fourniol sa “fast-track” events ng kompetisyon. Kabilang siya sa Top 20 Top Model, Top 23 Talent, Top 32 Sports Challenge, at Top 25 Head-to-Head Challenge kung saan tinalakay niya ang kanyang adbokasiya para sa edukasyon.

SUPPORT REPUBLICASIA

DON'T MISS OUT

We have the stories you’ll want to read.

RepublicAsia Newsletter