fbpx
Search
Close this search box.

May mga public library pa ba sa Metro Manila?

by Gaby Agbulos

KAPAG tinanong mo ang iyong kaibigan kung gusto ba nilang maaari, paniguradong ang unang suhestiyon na ibibigay nila ay isang coffee shop, o kaya isang co-working space. Malabo na ang una nilang maiisipang puntahan ay isang public library, kahit marami namang ganito sa Pilipinas. 

Sa mga ibang bansa, katulad ng US, normal na pumunta sa mga public library para magtrabaho, ngunit hindi ganun dito. Bakit nga ba ganito?

Posibleng ganito ang sitwasyon ng mga library ngayon dahil marami ang nagsasabi na hindi ito ginagawang priority ng gobyerno. 

Ayon pa nga sa National Library of the Philippines noong 2019: “The actual total numbers of public libraries in the Philippines only make up 3% of the ideal as prescribed by the law.”

May malaking kakulangan rin sa binibigay na pondo para sa mga library na ito. Ang nagiging resulta ng hindi pagbibigay importansya sa mga public library ay nahihirapan ang mga ito na pataasin ang kanilang book stock, at kadalasan din ay understaffed ang mga ito.

Dagdag pa dito na may kalumaan din ang marami sa mga public library sa bansa; ang iba pa nga ay hindi maganda ang mga lokasyon, tumutulo ang mga bubong, at wala na sa maayos na kalidad ang mga libro. 

Kaya hindi na nakakagulat kung mas pipiliin man ng masa na pumunta na lamang ng bookshop kaysa sa mga public library na ito. Ngunit hindi dapat sukuan ang mga ito – lalo na’t dahil ang kanilang kondisyon ay hindi din naman nila kasalanan, kundi resulta lamang ng kapabayaan ng mga awtoridad na dapat nakatutok dito.

Kung kakayanin, mainam na subukan pa ring puntahan at suportahan ang mga public library na ito. Malaki mang responsibilidad ito, ngunit sino pa ba ang gagawa?

Maganda rin kung dadami ang mga bibisita dito dahil, kung makita man ng gobyerno na mas nagkakaroon na ng interes ang kabataan sa mga ito, ay may posibilidad na gawin na rin nila itong priyoridad… kahit dapat sinimulan na itong gawin dati pa.

Mga pwedeng bisitahin at dapat alalahanin

Kung gusto mong suportahan ang mga public library sa Manila, ito ang ilan sa mga pwede mong puntahan:

  1. National Library of the Philippines

Lokasyon: 1000 Kalaw Avenue, Ermita, Manila

  1. Ortigas Foundation Library

Lokasyon: Greenhills Shopping Center, San Juan, Metro Manila

  1. Manila Cty Library

Lokasyon: 800 Taft Ave, Ermita, Manila

  1. Lopez Museum and Library

Lokasyon: Rockwell Business Center, Pasig City, Metro Manila

  1. Jose P. Laurel Memorial Foundation’s Library and Museum

Lokasyon: Roxas Boulevard cor. Pedro Gil Street, Ermita, Manila

At kung bibisita ka man sa mga library na ito, dapat alalahanin na kadalasan, may etiquette na dapat sundin dito. Iba naman ang mga pwede at bawal gawin depende sa library na pupuntahan mo, pero bilang general basis lamang sa dapat sundin, alalahanin ang mga sumusunod:

  1. Panatilihin ang katahimikan. 

Siguro ang pinakasikat at unibersal na dapat sundin sa mga library ay dapat mapanatili palagi ang katahimikan dito. Kung sa pag-silent man ng selpon o sa hindi pakikipag-usap sa iyong kasama man ang kailangan gawin para matupad ito, gawin ang lahat ng makakaya para ma-minimize ang ingay na nagagawa, kung meron man.

  1. Wag magpasok ng pagkain o inumin. 

Hindi ito kailangan sundin sa lahat ng library, kaya i-doublecheck nalang ang iyong pupuntahan kung maa-apply ba ito sa kanila, pero kadalasan ay hindi pumapayag ang mga library na magdala ng pagkain o inumin sa loob. 

Mas maganda kung kakain kayo bago o pagkatapos pumunta dito, at kung magdadala man ng inumin ay ilagay na lamang sa isang tumblr para mabawasan ang aksidenteng pagkabasa ng mga libro.

  1. I-check out ng maayos ang mga librong gustong iuwi.

Wag na wag iuuwi ang mga libro na hindi sila chine-check out sa librarian na naka-on duty sa pasilidad na pupuntahan mo. Komplikado man ang proseso, o hindi mo man magagawa ito ng walang library card, kaya ginawa ang mga requirement na ito para nasusundan ng library ang status ng bawa’t libro na nasa kanila. 

Alalahanin na uunti na nga lang ang nakukuhang resources ng mga ito, kaya wag na bawasan kung may maayos naman na paraan na nakalaan sa paghiram dito.

  1. Wag guluhin ang gamit. 

Pagdating sa gamit na nasa library tulad ng mga lamesa oo upuan dito, dapat alalahanin na hindi sila ginagalaw at kung gagalawin man ay dapat silang ibalik sa tamang pwesto pag tapos na silang gamitan. Kung gagalawin man, dapat din ay tanungin ang staff sa pasilidad kung okay lang na gawin ito. 

Dapat din ito gawin para sa kanilang mga libro; kadalasan ay may assigned na spot para ilagay ang mga nagamit na na libro, at hindi dapat sila binabalik lamang sa kungsaan saan, dahil may sistemang sinusunod ang library sa pag-organisa sa mga ito.

  1. Suportahan ang laban para sa funding ng mga ito.

Siguro ang pinakaimportante sa listahan na ito, alalahanin na sa kasalukuyan, hindi pa rin nakukuha ng mga public library ang pondo na kailangan nila para siguraduhin na maganda ang kalidad ng kanilang mga pasilidad. 

Kaya naman ay ginagamit dapat ng kabataan – o ng pangkabuuang masa – ang kanilang boses para mabigyan ng atensyon ang isyu na ito, at para naman dumating na rin ang gobyerno sa punto na masosolusyonan na nila – o masisimulan nang masolusyonan – ito.

SUPPORT REPUBLICASIA

DON'T MISS OUT

We have the stories you’ll want to read.

RepublicAsia Newsletter