fbpx

Los Banos Christmas village opens

by RepublicAsia

By R.A. Maico

Pinailawan na kagabi ang Los Baños Christmas village sa Paciano Park sa Los Baños, Laguna.

Sentro ng kumukuti-kutitap na Christmas village, ang higanteng Christmas tree. 

Umabot ng 35 feet o katumbas ng tatlong palapag na gusali ang Christmas tree.

Kakaiba ang Christmas tree ng Los Baños dahil gawa ito sa mga indigenous material gaya ng kawayan, bunot ng niyog , mga tuyong damo  at capiz.

May mga nakapalibot din na mga food stalls na mala-bahay kubo.  

Dinagsa ng mga mamamayan ng Los Baños ang opening ceremony. Tanaw na rin sa Paciano Park ang Laguna Lake.

Nag-enjoy ang mga bata sa mga rides.

Tampok din ang mga trade booths na pinalamutian ng mga disenyong pamasko ng mga guro at estudyante mula sa iba’t-ibang paaralan sa bayan.

Tema ng Christmas village na ito na ang Paskong Pinoy ay bigyan ng pagkilala, kultura at tradisyon ng mga produktong katangi-tangi para sa mga Pilipino.

“Siguraduhing magpa-selfie sa ating Christmas displays, mag-shopping sa ating bazaar at mag-food trip sa masasarap nating F&B booths,” pagmamalaki ni Mayor Anthony “Ton” Genuino.

photos courtesy: Los Baños, Laguna PIO

SUPPORT REPUBLICASIA

DON'T MISS OUT

We have the stories you’ll want to read.

RepublicAsia Newsletter