fbpx
Search
Close this search box.

Jessy Mendiola at Luis Manzano, itinuloy na ang church wedding

by Gaby Agbulos

KAHAPON, Pebrero 25, inilabas ng mag-asawang sila Jessy Mendiola at Luis Manzano ang isang bidyo sa kanilang YouTube channel kung saan ipinakita nila ang kanilang “dream wedding.” 

Sa caption, nakasulat ang “Our dream wedding. Thank you, Lord. We’re finally complete.” 

Nagsimula ang relasyon ng dalawa noong 2016, at noong 2020, nag-propose si Luis kay Jessy. 

At sumunod na nga ang civil wedding sa Lipa, Batangas, kung saan sa 2022 ay ipinanganak ang kanilang anak na si Rosie. 

Ngayong taon, ikinasal muli ang dalawa sa isang church ceremony sa Coron, Palawan noong Pebrero 15. 

Sa kanilang kasal, kasama ang mga kaibigan at pamilya ng dalawa, pati siyempre ang kanilang anak na si Rosie, na hawak ni Manzano habang naglalakad si Mendiola pababa ng aisle. 

Sa vows ni Mendiola – ngayong Mendiola-Manzano na – ipinangako niya kay Manzano na mamahalin niya ito ng buong buo, pati na mamahalin niya ito ng paulit-ulit, kahit sa mga panahon na mahirap na itong gawin. Pangako niya rin dito na proprotektahan niya ang kanilang kapayapaan at kasiyahan. 

Itinapos niya ang kanyang vows sa pagtingin sa kanilang anak, sabay ang malambing na pagsabi ng “I love you, Peanut!”

Sagot naman ni Manzano: “We are still here because we chose love. I thank the Lord that we get to do this in front of our Peanut, so that she can see what love and choosing love is all about.”

Ang kwento ni Jessy at Luis

Kahit laging nagtatagpo ang landas ng mag-asawa noong nagkikita sila dati sa “ASAP,” pati pag nagiging guest si Mendiola-Manzano sa mga palabas kung saan si Manzano ang host, hindi sila nagkagusto sa isa’t isa agad-agad.

Ngunit habang nagtatagal, may nangyari sa kanila na tumulong sa pagpapalakas sa koneksyon nila sa isa’t isa. Noong 2016, habang kaarawan ni Mendiola, saka niya nakita ang posibilidad na may mangyari sa kanya. 

Para sa kanya, si Manzano ang tipo ng tao na kaya niyang kausapin tungkol sa kahit ano. Hindi nagtagal at noong Mayo 2016 ay nililigawan na ni Manzano si Mendiola-Manzano.

Sa Disyembre 2016 naman, nag-post si Manzano ng pagbabati kay Mendiola-Manzano para sa kaarawan nito, at ito na ang naging kumpirmasyon na totoo ngang nasa relasyon na ang dalawa. 

Isinabi na rin nila ito noong Abril 2017, kungsaan sinabi ni Mendiola-Manzano sa interbyu kasama ang PEP.ph na sila na.

Nag-break man ang dalawa noong Mayo 2020, at noong Disyembre 2020 naman, inanunsyo na ng dalawa na engaged na sila mula Oktubre pa nung taon na yun. Sumunod na rito ang kanilang civil wedding sa 2022, at ngayon naman, ang kanilang church wedding. 

Paniguradong patuloy lamang ang love story ng dalawang ito, at mas lalong inaabangan ng madla ang kanilang kwento kasama ang kanilang anak na si Rosie. 

SUPPORT REPUBLICASIA

DON'T MISS OUT

We have the stories you’ll want to read.

RepublicAsia Newsletter