fbpx
Search
Close this search box.

Ihanda ang iyong sarili sa mas mainit na temperatura dahil El Niño

by Deanna Macaranas

MARAMI saatin ang nararanasan na ng El Niño at tiyak na madami din saatin ang mangigil dahil sa init na dala ng panahon. 

Kung sa tingin niyo’y hindi niyo na kayang tiisin ang sakit ng ulo pagdating sa patitis ng mainit na panahon, ika nga “but wait, there’s more!”

Ayon kasi sa PAGASA na magiging mas mainit pa ang mga darating na araw dahil sa Abril at Mayo pa ang maituturing na  “peak” ng El Niño. 

Ang mga taong nakatira sa ‘urban areas’ gaya ng Metro Manila ang makakaramdam ng mas mainit na temperatura, dala ng ‘urban heat island effect’ kung tila naiipit ang init na dala ng El Niño sa kalawan na sakop ng Pilipinas.

Ibig sabihin hindi makalabas ang init na mula sa araw.

Sa nalalapit na mas maiinit na araw ng El Niño nagbigay ng paaalala ang PAGASA na magprepare sa mga darating na mas mainit na panahon.  

Panganib at Epekto ng El Niño

Hindi makakaila na ang init na dala ng El Niño ay nakakapanganib hindi lamang sa ating kalusagan ngunit pati na din sa kalikasan.  

Tuwing tag-init, kadalasang naibabalita ang patuyo ng mga lupa at patuloy na discomfort na dala ng humid at heatwaves.  

Isa din sa mga common effects na nararanansan natin tuwing taginit ang heat stress kung saan nakakaranas ang ating katawan ng pagkahilo, sobra-sobrang pagpapawis, pagkahina, at muscle cramps. 

Habang ang epekto ng heat stress ay kaya pang matiis ng karamihan, marami-raming tao din ang nagiging biktima ng heat stroke kung saan hindi na kayang tiisin ng katawan ng tao ang sobrang init na dala ng panahon.   

Ito ang mga sintomas na dapat tignan kung sakaling ikaw ay nakakaranas ng heat stroke: 

  • Mataas na temperatura ng katawan 
  • Mabilis at malakas na pulso 
  • Pagkalito
  • Pakiramdam ng nasusuka
  • Pagkahilo
  • Nawawalan ng ulirat

Ngunit paano nga ba ibeat ang heat upang maiwasan ma-stress ang aking mga katawan sa mga darating na araw ng El Niño?  

Drink Your Water Bhie 

Kung naalala niyo pa ng notable quote ni Mimiyuuuh, ito na ang perpektong araw kung saan magandang iaaply ang kaniyang ‘Drink your Water Bhie.’ 

Madalas nating makita sa mga memes na may quote na ‘stay hydrated’ at sa nalalapit na panahon ng El Niño. Ang ganoong klaseng memes ay nararapat na ating seryosohin upang hindi mas lalong uminit ang ating ulo pagdating sa pagtitiis ng heat stress.  

Nakakatukso man basahin ang nakasulat na ‘Quench your thrist’ saating nearby milktea at coffee shop ngunit ang pinaka safe na option pa din ang tubig pagdating sa paghyhydrate ng ating mga katawan.    

Comfort over style 

Pagdating sa pormahan ng mga Gen-Z, hindi mapapantayan ang kanilang creativity pagdating sa kanilang sariling ‘aesthetics.’  Habang maraming options ang mga kabataan pagdating sa kanilang choice of aesthetics—ang pormahang dark clothes, tight fittings, at jacket ay isa lamang sa mga pormang hindi mawawala sa uso. 

Habang naka tatak saating mga isipan ang quote na ‘dress how you please,’ mas maganda din kung maiaakma natin ang ating dress of choice sa panahon ng El Niño upang maiwasan ang risks na dala ng init ng panahon.    

Sa panahon ng taginit, perfect din ang pagsusuot ng mga accessories kagaya ng  sumbrero at sunglasses. 

Sunscreen is your best friend 

Pag dating sa init ng panahon, hindi maiiwasan ng maraming tao ang risks pagdating sa init ng araw. 

Huwag kalimutang maginvest sa magandang suncreen dahil ang paglalagay nito ay nakakatulong upang malabanan ang overexposure ng araw. 

Habang ang araw ay mayroong maraming benepisyo pagdating saating kalusugan, ang paglalagay ng sunscreen ay nakakatulong upang maprotektahan ng ating balat mula sa sunburn at harmful effects ng UV rays na maaring magdulot ng skin cancer.   

Don’t forget your furbabies 

Sa panahon ng tag-init, hindi lang tayo ang nakakaranas ng discomfort pagdating sa pagtitiis ng init ng panahon. 

Huwag kalimutang bantayan ang kalagayan ng inyong mga furbabies sa mga darating na mas mainit na panahon. Siguraduhing sila ay hydrated at ilipat ang excerise schedule ng mga furbabies sa mga oras na mas malamig pa ang panahon.

Maari din silang bigyan ng ‘cool bath’ upang mapababa ang temperatura ng kanilang mga katawan. 

SUPPORT REPUBLICASIA

DON'T MISS OUT

We have the stories you’ll want to read.

RepublicAsia Newsletter