fbpx
Search
Close this search box.

Herlene Budol binatikos sa pagkumpara sa sarili kay Miss USA

by Athena Yap

MAKALIPAS ang coronation night ng Miss Universe 2022, nagbahagi si Binibining Pilipinas 2022 first runner-up na si Herlene “Hipon” Budol ng kaniyang relatable moment kay Miss USA R’Bonney Gabriel na nag-uwi ng korona ng Miss Universe ngayong taon.

Sa kaniyang Facebook post nitong linggo nang hapon, naiugnay niya ang kaniyang kasuotan noong Binibini pageant journey na niya’y parehas ng national costume designer kay Miss USA, gayundin ang long gown designer nila.

“Ang galing ni Lord. imagine mo yung nanalo ng @missuniverse 2023 @rbonneynola at nung nanalo ako ng @bbpilipinasofficial 1st runner up ay iisa lang ang National Costume Designer namin ay si @patrick_isorena at parehas din kami sa Long Gown Designer @rianfernandez888!” ani Budol.

https://www.facebook.com/photo?fbid=729760568618698&set=a.261965048731588

Pero sinabi naman ni Budol na wala siyang balak sumali sa Miss U at pabirong sumagot sa kaniyang isa sa mga taga-suporta.

“Malabo bobo po ako haha,” hirit ng beauty queen.


‘Yan ang sagot niya matapos siyang hikayatin ng ilang mga follower na sumali sa susunod na Miss Universe.

“Sali ka sa MU Philippines Herlene Nicole Budol, baka ikaw ang nakatadhana,” sabi ng isang supporter


“Mag try ka ulit Herlene, malay mo pang Miss Universe ang beauty mo,” dagdag pa ng isang fan.


Lubos naman ang pasasalamat niya kay Wilbert Tolentino na manager niya dahil sa mga designer na nakatrabaho niya.

“Kaya thankful ako dahil [n]asa tamang Manager at handler napuntahan ko @sirwil75 & @rodinb.flores,” dagdag pa niya.

Sumagot naman si Tolentino at binigyang kasiguruhan ang talent na maganda ang path na kaniyang tinatahak.

“Your Welcome Mima Herlene Hipon Budol. Ciempre ilalagay din kta sa right Path para sa karera mo,”

Samantala, hindi naman naging maganda ang tunog ng mga sinabi ni Herlene para sa ibang mga netizen.

Bumuhos ang pambabatikos sa model at sinabing mayroon umano siyang “Donnalyn syndrome.”

Matatandaang pinaulanan din kamakailan ng pambabatikos ang vlogger na si Donnalyn dahil sa kaniyang “bawal maging sad, dapat grateful sa work” post.


“Feeling relevant naman this ghorl. Chz,” sabi ng isang commenter


“Sige sis, ipilit mo pa kwento mo yan” sabi pa ng isa.


“Feeling main character kna bhe, amaccana accla,” dagdag pa ng isa.


SUPPORT REPUBLICASIA

DON'T MISS OUT

We have the stories you’ll want to read.

RepublicAsia Newsletter