MATAPOS magkainitan noong nakaraang linggo sina Rain or Shine (ROS) head coach Yeng Guiao at San Miguel Beermen (SMB) guard Terrence Romeo, handa na nilang kalimutan ang insidente.
Nagkasagutan sina Guiao at Romeo noong patapos na ang Game 3 ng kanilang best-of-seven PBA Philippine Cup semifinals series, matapos hindi magustuhan ng tactician ang ikinilos ni Romeo.
Ang bawat sports ay mayroong “unwritten rule.” At sa basketball, ang pagtira habang malaki na ang lamang at paubos na ang oras ay hindi magandang gawain. Ito nga ang naging rason kung bakit nagkainitan ang dalawa.
Noong Game 3, ilang segundo nalang ang natitira at hawak na rin ng SMB ang komportableng 114-107 na kalamangan, nang biglang tumira si Romeo sa three points, at pumasok pa.
Photo Courtesy: PBA Images
Pagkatapos na pagkatapos ng laro, agad na ipinarating ni Guiao ang kanyang sama ng loob sa post game interview. Para nga sakanya, ang pagtira ni Romeo ay “bastos,” at hindi akma sa pagiging “class” organization ng San Miguel.
“Nagulat ako sa nangyari. Medyo bastusan ang labas,” sabi ni Guiao. “I think, the mere fact na they are seeded No. 1, they are the best team, they have the best record. They have the best talent, that in itself should make them a class organization.”
“But to be a class organization is giving due respect doon sa mas mababa sa’yo, pero hindi naman nangyari,” ipinarating ni Guiao, hindi lamang kay Romeo, pati na rin sa organisasyon ng San Miguel.
Hindi pa natapos dito ang paglabas niya ng kanyang hinaing. Pinatutsadahan pa niya si Romeo: “May tao talagang bastos. Wala tayong magagawa. May taong mayabang, may taong bastos, wala tayong magagawa doon.”
Maraming fans ang nag-react at nagbigay komento sa mga sinabi ni Guiao. Maraming nagsasabi na pinalampas na lang niya sana, at maaaring kaya lamang ito nainis ay dahil sa pagiging down 0-3 nila kontra SMB.
Ibinahagi naman ni Romero sa media matapos ang Game 4, nagulat siya sa naging komento ni head coach Yeng Guiao, at wala naman daw siyang intensyon na mambastos at magyabang.
Photo Courtesy: PBA Images
“First of all, wala akong intensyon na mang-disrespect. Tska ang taas ng respeto ko kay coach Yeng [Guiao],” sabi ng mahusay na gwardya ng San Miguel.
“Kung nakita niyo paano ko ini-score ‘yung bola, hindi ako tumingin sa oras, hindi ako tumingin sa bench, lahat. It’s like, pure basketball. Pagkakuha ko, dere-deretso ako, tinira ko [‘yung bola],” paliwanag niya.
Kahit pa ganito ang nangyari, at hindi naging maganda ang mga nasabi kay Romeo, humingi pa rin siya ng paumanhin kay Guiao.
“Lumapit lang ako kay coach Yeng. Sabi ko, ‘Pasensya na, ‘di ko naman intensyon na mag-disrespect o mambastos’,” sabi ni Romeo sa media, matapos nilang talunin muli ang Rain or Shine, at nakapasok na sa Finals.
“I accepted his apology, so tapos na yung usapan. Wala na yun. Nilapitan niya ako before the game. ‘Yun lang naman ang importante doon. ‘Di naman kailangan mong kargahin nang matagalan as long as nag-apologize na,” sabi ni Guiao.
Nag-hihintay na ang SMB sa finals, at makakaharap nila ang mananalo sa laban ng Ginebra at Meralco. Isang laro nalang ang kailangan ng Ginebra upang makabalik sa Finals ng PBA Philippine Cup.
WITH only a few days until the 2025 National and Local Elections (NLE) in the…
To have your name called or to be even included. Wouldn’t it be nice to…
Vatican City, Holy See: Pope Leo XIV will celebrate mass Friday, the day after becoming…
THE pulse slowly fades. The connection that was once shared is losing. As it happens,…
ROBERT Francis Prevost’s name was nowhere near the list of frontrunners and favorites when articles…
VOTERS prepare as campaign jingles flood our streets and screens, and the countdown to the…