Generation

Stacey Gabriel, Christi McGarry, nagbalik-tanaw sa kanilang MUPH 2024 journey

HINDI nakalimot magpasalamat ang mga beauty queen na sina Stacey Gabriel ng Cainta at Christi Lynn McGarry ng Taguig sa mga sumuporta’t naniwala sa kanila sa katatapos lang na Miss Universe Philippines (MUPH) 2024 competition.

Nagtapos si Gabriel bilang first runner-up at si McGarry bilang fourth runner-up sa national pageant. Si Chelsea Manalo ng Bulacan ang tinanghal bilang bagong Miss Universe Philippines, na kakatawan sa bansa sa 73rd Miss Universe pageant na gaganapin sa Mexico.

Sa Instagram, nagbahagi si Gabriel ng isang madamdaming post tungkol sa kanyang MUPH 2024 journey na inaalay niya sa kanyang ina. Makikita sa post ang backstage clip ng emosyonal na pag-uusap ng mag-ina habang nagyayakapan, matapos ianunsyo ang nagwagi sa coronation night noong May 22 sa SM Mall of Asia Arena.

“I stepped into this journey with the promise of honoring the women who came before me – particularly my mother, who, at 20-years-old and against all odds, sacrificed her own dreams so she could raise me to reach mine,” ani Gabriel. “All my life, I have stood on her shoulders as she lifts me to new heights.”

Naging totoo rin si Gabriel sa kanyang Instagram post nang ibahagi niya ang kanyang naramdaman nang pangalanan siyang first runner-up.

“I am grateful beyond measure to be your 1st Runner-Up and will carry out my duties to His purpose, but I also know that it’s okay to be heartbroken over the shared dream that was within reach, but simply not for me last night,” wika niya.

Ibinahagi ni Gabriel kung paano siya dinamayan ng kanyang ina na kasama niyang nagdasal, gayong alam aniya niyang hindi para sa kanya ang laban kundi para sa Diyos.

Ipinagdasal din niya si Manalo sa kanyang tatahakin para sa 73rd Miss Universe competition.

“It was, instead, meant for a beautiful woman who will carry the stories of all 53 incredible delegates with her to Mexico. I pray for your success, Chelsea,” pahayag niya.

Dagdag niya, “Thank you, mama, for being my whole Universe. Up and up… onto the next calling.”

Pinuri naman si Gabriel ng ilang personalidad at kapwa beauty queen sa kanyang naging performance sa MUPH 2024 pageant. Kabilang na rito sina Ruffa Gutierrez, Sunshine Cruz, Nicole Borromeo, Michelle Arceo, at Mj Lastimosa.

‘Incredible yet humbling’ experience

Ikinuwento rin ni McGarry sa isang Instagram post ang kanyang naging experience sa national pageant.

Ayon sa beauty queen, ibinuhos niya ang kanyang buong puso sa MUPH 2024 competition, mula sa kanyang paghahanda para sa pageant hanggang sa coronation night nito.

“What a wild and incredible yet humbling ride and experience. Immeasurable sacrifices and countless hours of training and sleepless nights. The celestial calling. The hunger. The drive. The intention. The ambition. The purpose,” ani McGarry.

Nagpasalamat din si McGarry sa kanyang lungsod na nagtiwala sa kanya bilang kanilang kinatawan sa pageant. Hindi-hindi aniya niya makakalimutan ang sabay-sabay na hiyawan ng mga manonood sa MOA Arena nang ianunsyong kabilang ang Taguig sa Top 5 ng pageant.

Binati rin ni McGarry si Manalo sa kanyang pagkapanalo at nagpahayag ng suporta sa bagong Miss Universe Philippines para sa darating na international beauty competition.

“Your destiny awaits and I am so happy and excited for you and this next legendary chapter in your journey. You are a bright light in the universe, Love you, and will always be here to support you, and no doubt you’ll make us proud, our glorious morena queen,” sabi ni McGarry.

Binati rin ni McGarry ang kanyang kapwa candidates na nagbigay inspirasyon sa kanya at nagpakita ng lakas ng loob, tapang, karisma, at talento. Isa aniyang karangalan para sa kanyang mapabilang sa “legendary batch” na ito ng mga beauty queen.

Hindi rin nakalimutan magpasalamat ng 34-year-old beauty queen sa kanyang pamilya, mga kaibigan, fans, at kanyang team na sumuporta sa kanyang MUPH 2024 journey.

Nagpahayag ng suporta ang kanyang kapwa beauty queen na sina Manalo, Gabriel, Lastimosa, at Pauline Amelinckx.

Netizens’ dismay

Matatandaang may ilang netizens ang nadismaya dahil hindi nakapag-uwi ng korona sina Gabriel at McGarry kahit na kabilang sila sa Top 5.

Bukod kasi sa MUPH crown, may iba pang koronang ibinigay ang MUPH organization sa apat pang kandidata: Miss Supranational Philippines, Miss Charm Philippines, Miss Eco International Philippines, at Miss Cosmo Philippines.

Sa panayam ng republicasia kay Norman Tinio, isang longtime pageant blogger at director for communications ng Mister International Philippines Organization, may valid reasons kung bakit hindi nakapag-uwi ng korona sina Gabriel at McGarry.

Ito aniya’y dahil hindi pasok ang height ni Gabriel at ang edad ni McGarry sa apat na international pageants.

Para sa pageant expert, mahalaga pa rin ang height sa mga beauty competition kahit gaano pa ito ka-”inclusive.” 

Samantala, ang age requirement naman para sa apat na beauty competitions ay mula 18 hanggang 32 years old lamang.

“Mate-technical if they still insist on sending her [McGarry] to one of those four other pageants. People have been asking, ‘Bakit ganun? Bakit instead of the four runners-up, lahat sila magkaroon ng title, bakit naibigay to two other girls who did not even make it to the Top 5?’ And those are the reasons why. I was told,” paliwanag ni Tinio.

Ang apat na kandidatang nakapag-uwi ng korona ay sina Miss Supranational Philippines 2025 Tarah Valencia, Miss Cosmo Philippines 2024 Ahtisa Manalo, Miss Eco International Philippines 2025 Alexie Brooks, at Miss Charm Philippines 2025 Cyrille Payumo.

Second runner-up din si Ahtisa, habang third runner-up naman si Valencia.

How useful was this post?

Joanna Deala

Recent Posts

Pacers oust top-seeded Cavs, Nuggets on brink

Los Angeles, United States: The Indiana Pacers came from behind to send the Cleveland Cavaliers…

3 hours ago

Pope offers to mediate between world leaders to end wars

Vatican City, Holy See: Pope Leo XIV on Wednesday offered to mediate between leaders of…

4 hours ago

Mister Pilipinas Worldwide: Pageant Kings on Men in Pageantry, Mental Health

When you hear the word "pageant," chances are you picture evening gowns, tiaras, and sparkling…

5 hours ago

UAAP: NU Out to Cement Back-to-Back Title Dreams

THE National University (NU) Lady Bulldogs will meet the De La Salle University (DLSU) Lady…

5 hours ago

Crown Talk: A Q&A with the Miss Universe PH Queens

EVER wondered what really defines beauty for our Miss Universe Philippines queens? Spoiler alert: it’s…

7 hours ago

‘I like Bite Me:’ Ahtisa Manalo recalls viral photo at ENHYPEN’s PH concert

IT has been a mystery for Filipino ENGENEs, or fans of K-pop boy group ENHYPEN,…

7 hours ago