SA 2024 NBA Draft kahapon, isang makasaysayang kaganapan ang nangyari nang ma-draft si Bronny James sa Los Angeles Lakers, kung saan makakasama niya ang kanyang ama na si LeBron James para maglaro sa iisang team.
Sa ikalawang araw ng NBA Draft, na-select si Bronny bilang 55th pick ng Lakers. Ang ilang sports analysts nga ay namangha, dahil kauna-unahang beses daw na excited ang lahat para sa second round ng draft.
Nakaraang taon nga lamang ay nakaranas si Bronny ng cardiac arrest, kaya naman naging emosyonal ang kanyang ama sa paglalakbay nito mula noong siya’y bata pa lamang hanggang sa ganap na siyang NBA player.
Bukod sa natupad niya ang kanyang pangarap, na kinatuwa ng nakararami, hindi parin mabilang ang dami ng mga taong namangha sa kung gaano katagal ng naglalaro si LeBron para maabutan ang kanyang anak.
Sa kasalukuyan, mayroong isang araw na natitira ang NBA All-time leading scorer para magdesisyon kung siya ay mag-opt in or out sa kontrata niya sa Lakers. Kasaysayan ang tanging nag-iintay para sa kanyang pagbabalik.
Pagdating sa usaping father-son duo, aba, nauna siyempre ang mga Pinoy.
Nagkaroon ng father-son duo sa pinakamatandang liga sa Asya na Philippine Basketball Association (PBA) noong 90s era pa lamang.
Ang PBA great na si Robert “Sonny” Jaworski at anak na si Robert “Dodot” Jaworski Jr. ay nagkaroon ng pagkakataong gumawa ng kasaysayan noong sila ay magsama sa tanyag na Ginebra San Miguel noong 1995-1998.
Habang magkasama, sila rin ay nakapag-uwi pa ng isang kampyeonato noong 1997 PBA Commissioner’s Cup, bago sila sabay na nagretiro noong 1999.
Ngunit, hindi naipasa-buhay ng mag-ama ang mala-once in a lifetime na oportunidad sapagkat hindi kailan man ipinasok ni Sonny ang kanyang sarili kasama ang kanyang anak na maglaro, kahit pa siya ang coach.
Photo Courtesy: Henry Liao
Sa loob ng halos tatlong season na may kabuuang 181 games, hindi kailanman nakapaglaro ng sabay ang mag-ama. Si Sonny rin ang nag-draft kay Dodot mula sa Ateneo de Manila University.
Sa second round ng 1995 PBA Draft, si Sonny ang kauna-unahang coach na nagkaroon ng pagkakataon na ma-draft ang kanyang anak, hanggang sa ngayo’y pinakabagong season ng liga.
Hindi man pinalad ang mga Pilipino na mapanood silang magpasahan sa court, isang kasaysayan pa rin ang kanilang nagawa bilang kauna-unahang father-son na magkasama sa isang team.
Sa ngayon, nakasubabay muna ang lahat kung paano ang magiging takbo ng LA Lakers at ng mag-amang Bronny at LeBron. Ngunit ang lahat ay hindi na makapag-hintay na masilayan silang lumaban magkasama.
THE National University (NU) Lady Bulldogs will meet the De La Salle University (DLSU) Lady…
EVER wondered what really defines beauty for our Miss Universe Philippines queens? Spoiler alert: it’s…
IT has been a mystery for Filipino ENGENEs, or fans of K-pop boy group ENHYPEN,…
Trigger Warning: Mention of Violence NEW GENERATION leaders are now entering the political arena, with…
DURING the 2025 midterm elections, a number of showbiz personalities had taken their chance to…
Boxstage Manila, FEU’s alumni FTG (FEU Theatre Guild), opened their doors for their restaging of…