Generation

Senior citizen mula sa Cagayan, excited sa kanyang SHS graduation

ISA sa pinaka malaking pangarap ng bawat indibidwal sa mundong ito ay makapagtapos ng pag-aaral, at magbakasakaling maiangat o higit na mapagbuti ang estado ng kani-kanilang mga buhay at pamilya.

Sa kabila nito, hindi lahat ay pinalad upang magkaroon ng kakayanan na suportahan ang kanilang pag-aaral, habang ang iba naman ay kinakailangan ng magtrabaho para may mailagay na pagkain sa kainan.

Pero para sa iba, wala hadlang sa pangarap na nais makamtan basta magsusumikap. Para sa kanila, ang pagpapatuloy ng nasimulang pag-aaral ay isang testimonya sa kanilang pagtugis sa bagong kaalaman.

Ilan pa nga sa mga nagnanais makabalik sa pag-aaral ay mga senior citizen na. Tulad na lamang ng 70-year-old na si Hilario Jabines mula sa Aparri, Cagayan na magtatapos na ng Senior High School.

Si Jabines ay isang mapagmahal na lolo na palaging nagbibigay ng pangangailangan ng kanyang pamilya. Siya rin ay isang masipag na mag-aaral na proud na proud na naging candidate for graduation.

Tumanda man, hindi hadlang ang edad upang makamit ang inaasam na graduation. Kaya naman malugod na tinanggap ng senior citizen ang Alternative Learning System (ALS) sa Aparri East National High School.

Ayon sa panayam ni ALS teacher Vina Victoria Abadilla sa GMA News, pagkatapos mag-enroll ay nais agad magsimula ni Jabines ng klase, patunay na ito inaabangan talaga ng 70-year-old student.

Para kay Jabines, mahirap na ipagdiinan sa mga anak nila na pagbutihin nila ang kanilang pag-aaral kung sila mismo ay hindi nakapagtapos. Kaya naman nagsilbi itong inspirasyon, upang siya ay makabalik at makapagtapos.

“Dahil kung hindi nila ipagpapatuloy, paano nila sasabihin sa kanilang mga anak na ipagpatuloy nila ang kanilang pag-aaral kung sila mismo wala silang ginagawa para umunlad ang kanilang sarili,” sabi ni Jabines.

Mensahe naman ni Jabines, kapag nakakita o nagkaroon ng kaklase na matanda, iwasan mangbully at manghusga. “Huwag kayo manghusga dahil ang ginagawa ko ay para sa pamilya ko,” sabi niya.

Makakalambot ng puso na makakita ng senior citizen na gaya ni Jabines na hindi pahahadlang sa anumang bagay maabot lamang ang kanyang pangarap. Nawa’y magsilbing inspirasyon ito sa nakararami, at higit pang pagbutihin ang kanilang pag-aaral.

At gaya ng iba pang magsisipagtapos ngayong taon, isang pagbati mula sa inyong republicasiamedia team.

How useful was this post?

Bryan Gadingan

Recent Posts

Holy Week Hits Different When You’re Healing

THERE is something raw and powerful about Holy Week when you are in the process…

8 hours ago

The Milgram Experiment: Why We Follow Rules Even When They’re Wrong

IN Filipino households, respect for authority seems to be a cornerstone of family life.  From…

9 hours ago

Pope visits inmates before Easter

Vatican City, Holy See: A still-convalescing Pope Francis said Thursday he was doing "as best…

1 day ago

Chinese vent anger at Trump’s trade war with memes, mockery

Beijing, China: While China's leaders use their economic and political might to fight Donald Trump's…

1 day ago

Over 5m participated in Alay Lakad 2025, says PNP

ANTIPOLO City: The traditional Alay Lakad to the International Shrine of Our Lady of Peace…

1 day ago

Ever wonder how Gen Z non-Catholics spend Holy Week?

AT this point, many Filipinos are either enjoying slow days in their hometowns or exploring…

1 day ago