ISA din ba kayo sa mga na LSS dito?
Usap-usapan ngayon sa X (dating Twitter) ang hit song ng “Bangsamoro pop” singer na si Shaira dahil sa copyright issues ng kanyang kantang “Selos.”
Pumatok ang kanyang kanta dahil sa nakaaaliw na background music at relatable lyrics nito.
Maliban dito, naging joke din ng ilang tao ang beats nito dahil naaalala raw nila ang mga soundtrip sa dyip tuwing pinapatugtog ang kanta.
Nag-premier ang “Selos” nung December 2, 2023 sa YouTube channel ng isang music production mula Central Mindanao na ‘AHS Productions.’
Sa comment section ng viral song, kitang marami ang nagsasabing na-’last song syndrome’ sila sa kanta. may iba namang pabirong sinabing tila kapitbahay nilang nag sound-trip na umaga pa lang.
Sa ngayon, umabot ng higit 9.2 million views at higit 56,000 likes ang kanta.
Pero ngayong viral ang kanta, marami naman ang nakapansin ng pagkakahawig ng melody ng “Selos” sa isang 2008 hit-song “Trouble Is A Friend,” ng isang Australian-artist na si Lenka.
Kilala si Lenka sa kaniyang hit-song na “The Show,” mula sa kaniyang debut album na may parehong titulo.
Umabot kay Lenka ang mga komento hanggang kinumpirma niyang gumagawa na siya ng legal action.
Courtesy: instagram.com /@lenkamusic
Netizens mixed-reactions
Naglahad ng kani-kanilang reaksyon tungkol sa isyu ang netizens.
Ilang users ng X ang kumampi kay Shaira at sinabing biktima lamang ang singer ng copyright at intellectual properties.
Meron ding ibang nalulungkot dahil hindi na nila ito mapatutugtog sa music streaming platforms.
Ilang netizens naman ang nagkomento sa mismong music video at pinaratangan si Shaira.
Courtesy: Youtube.com / @AHS Productions
Ilang Pinoy netizen din ang ang nagkomento rin sa instagram account ni Lenka.
Courtesy: instagram.com / @lenkamusic
Habang maraming netizen ang nagagalit at pabor sa Bangsamoro Pop singer, may ilang nagpaliwanag na mali umano ang ginawang pag-monetize ng team ni Shaira sa kanyang kanta dahil sa limitadong gamit ng “fair use.”
Ang sagot ng AHS Productions
Naglabas ng pahayag sa kanilang official Facebook page ang AHS Production. Inanunsyo nilang hindi na mapapakinggan ang kantang “Selos” ni Shaira sa mga music streaming platforms.
Sinabi rin nilang “voluntary act” ang hakbang habang inaayos na ang mga ‘legality of the publication.’
Courtesy: Facebook.com / @AHS Productions
Sinabi rin nilang kasalukuyang nakikipag-ugnayan na sila sa kampo ni Lenka para gawing official cover ang kantang “Selos” ni Shaira.
IN my teenage years, I never really had the opportunity to buy books that I…
I DIDN'T start running because I wanted to. I started because someone asked me if…
Los Angeles, United States: The Minnesota Timberwolves routed the Golden State Warriors to advance to…
BAG in front, sprinting to catch a jeepney seat, horns blaring from all sides –…
A MONTH before they leave for Malaysia, members of the P-pop boy group 1st One…
THERE comes a point when staying silent feels heavier than speaking up. It means standing…