Photo courtesy: Quezon City Government | Facebook
qc pride
SINIGURO ng organizers ng Quezon City Pride March na mas pinaigting nila ang seguridad para sa pinaka-aabangang event na dadaluhan ng ilang sikat na local celebrities.
Gaganapin ang “LoveLaban 2 Everyone” Pride Festival sa Sabado, June 22, sa Quezon Memorial Circle, kung saan iba’t ibang aktibidad ang nakahanda para sa mga miyembro at allies ng LGBTQIA+ community ngayong pagdiriwang ng Pride Month sa bansa.
Asahan ang performances mula sa mga bigating celebrities at artists tulad nina Vice Ganda, Janella Salvador, Gloc-9, Juan Karlos Labajo, at Ben&Ben. Hindi rin mawawala sa performers lineup ang P-pop groups na BINI, G22, VXON, at Yes My Love (YML).
Nitong Martes, tiniyak ni Pride PH convernor Rod Singh na magiging ligtas para sa mga dadalo ang star-studded event sa kabila ng inaasahang dagsa ng fans.
“Nakakasiguro tayo na for the past two years, three years na nag-o-organize tayo ng Pride, ang Pride ay nagsilbing tahanan para sa napakaraming LGBTQIA+ members, at nakakasiguro po tayo na ang tahanan natin ay pinoprotektahan,” pahayag niya.
Sa tulong ng local government ng Quezon City, dinoble rin aniya ang seguridad para sa “LoveLaban 2 Everyone” Pride Festival.
“Normally naman bukod doon sa mga barikada natin, talagang mahigpit ang security at sobrang salamat sa Quezon City [government] for extending—hindi lang security yung meron tayo ngayon. Dinoble po yung seguridad talaga,” ani Singh.
Dagdag niya, “If ang worries po natin ay ano yung security measures na i-i-implement, don’t worry po napaghandaan po natin ‘yan at talaga pong doble-doble ang seguridad natin ngayon taon.”
Higit dalawanlibong pulis ang ipakakalat para masigurong ligtas ang event, ayon kay Police Brig. Gen. Redrico Maranan. Gagamit din ng physical barriers at assistance mula sa force multipliers.
Tiniyak ito ng organizers matapos itigil ang Independence Day performance ng BINI dahil sa safety concerns. Ilan kasi sa mga dumalo ang nahimatay at umakyat sa mga poste para masilayan ang nation’s girl group.
Ayon kay Maranan, malaking “challenge” sa Pride Festival ang crowd control kaya naman may ilang paalala sa mga dadalo sa Sabado.
Ipinagbabawal ang pag-inom ng alcoholic beverages, pagdadala ng bladed weapons at iba pang nakakasakit na gamit, at pagdadala ng iligal na droga.
Hindi naman bawal ang payong dahil inaasahan din ang pag-ulan.
Pinapayuhan ang mga dadalo na gumamit ng transparent bags para madaling makita ng security personnel ang kanilang mga gamit.
“We’ll be establishing security control gates na magkakaroon ng initial screening doon, just to check yung mga bags na dala ng ating mga participants,” pahayag ni Maranan.
Pinaalalahanan din ni Maranan ang mga dadalo na makipagtulungan at i-report sa mga otoridad na nakakalat sa event ang mga kahina-hinalang indibidwal.
Magtatayo rin ng police assistance desk at health desk sa venue.
Naglabas na rin ng traffic advisory ang Quezon City government para sa Pride March, na magsisimula sa Tomas Morato Avenue hanggang makarating sa Elliptical Road at makapasok ng Quezon Memorial Circle – Commonwealth Avenue entrance gate.
Inaasahan ang pagbagal ng trapiko sa paligid ng Quezon Memorial Circle at mga kalsadang dadaanan ng Pride March. Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta.
Magsisimula ang programa para sa “LoveLaban 2 Everyone” Pride Festival ng 9:30 a.m., ayon kay Singh.
Pero hindi niya na dinetalye ang oras ng performances ng bawat artist para sa seguridad ng mga dadalo.
Iba’t ibang aktibidad ang gaganapin para sa naturang event. Una na rito ang Pride Expo na magsisimula ng 10 a.m., kung saan magsasama-sama ang mga organisasyon, sponsors, at LGBTQIA+-run businesses.
Susundan ito ng Pride March ng 2 p.m., kung saan layong isulong ang pantay-pantay na karapatan ng bawat tao sa bansa.
Mayroon ding Pride Night na magsisimula ng 5 p.m. hanggang alas-dose ng hatinggabi. Isa itong night-long concert para ipagdiwang ang kakilanlan at talento ng mga LGBTQIA+ members.
Siyempre, magkakaroon ng mga stall para sa mga pagkain, merchants, sponsors, at iba pang organisasyon sa street festival na gaganapin sa Matalino Street.
Libre ang entrance para sa mga nais dumalo sa “LoveLaban 2 Everyone” Pride Festival.
Follow republicasia on Facebook, Twitter, and Instagram to get the latest.
Vatican City, Holy See:Pope Francis's funeral will be held on Saturday, the Vatican announced, as…
POPE Francis, whom Filipino Catholics fondly called “Lolo Kiko,” is dead, ending his 12-year papacy.…
A MIX of anticipation and nervous energy fills the air. For thousands of Filipino senior…
FOLLOWING the death of our beloved Pope Francis last Monday, the Roman Catholic church is…
POPE FRANCIS, born Jorge Mario Bergoglio in Buenos Aires, Argentina, is internationally renowned for his…
K-POP powerhouse SEVENTEEN will celebrate a milestone in a few weeks: its 10th anniversary in…