MATAGUMPAY na lumaban ang Pinoy boxers sa World Olympic Qualifying Tournament, matapos ang magkasunod na panalo nina Mark Ashley Fajardo at Ronald Chavez Jr. nitong March 5, sa Busto Arsizio, Italy.
Sa E-Work Arena, pinabagsak ng 19-taong gulang na si Fajardo ang Portuguese boxer na si Albertino Monteiro pagdating ng 3rd round. Ito ay sa ilalim ng 63.5-kg Light Welterweight category.
Photo Courtesy: boxing.athlete365.org
Sa sumunod na laban, nanalo naman si Chavez Jr. kontra sa Cabo Verde boxer na si Bruno De Barros Fernandez via split decision.
Bago ang lahat ng ito ay unang nanalo si Rogen Ladon laban kay Federico Emilio Serra na galing sa Italy sa pamamagitan din ng split decision, noong March 3, Linggo.
Malaking hype ang nakapalibot kay Ronald Chavez Jr., ang anak ng dating Olympic boxer na si Ronald Chaves Sr. at pamangkin ni Arlo Chavez, na parehas umabot sa Olympics noong kapanahunan nila bilang boxer.
Sina Chavez Sr. at Arlo ay umabot sa 1992 Barcelona Olympics, at naging kasalukuyang taga pagsanay ni Chavez Jr. Ang 24-year-old na anak at pamangkin naman ay dati nang nag-uwi ng Asian Championship at Southeast Asian Games gold medal.
Kaya naman, alam niya kung gaano kabigat ang inaasahan sakanya hindi lamang ng kanyang pamilya, kundi pati na rin ang buong bansa, na umabot siya sa Olympics.
Si Chavez Jr. ay kinakailangan pang manalo ng tatlong beses bago ito makakuha ng ticket patungong Paris Olympics. Makakaharap muna nito si Eashash, at dalawa pang kalaban bago makapasok sa semifinals.
Habang nakatakda naman na lumaban ang ibang Pinoy boxers sa mga susunod na araw sa magkakaibigang weight categories hanggang March 11.
Ito ay sina Tokyo Olympics silver medalist mg men’s 57- kg division na si Carlo Paalam, John Nobel Marvin, Aira Villegas, Claudine Veloso at Hergie Bacyadan.
Tanging 49 semifinalists lamang ang nasabing makakapasok sa 2024 Olympic Games sa Paris. May kabuuang 248 na boxers ang sasabak sa Paris Olympics, kabilang dito ay 124 female boxers at 124 male boxers.
Magsisimula ang boxing competitions sa July 27 hanggang August 10, 2024 sa Roland-Garros Stadium at North Paris Arena.
THE VOLLEYBALL action in the Philippines continues, and there are no plans to stop, given…
Vatican City, Holy See: Cardinals will take part in a conclave in the Vatican's Sistine…
THAI beauty queen Suchata “Opal” Chuangsri no longer holds the Miss Universe 2024 third runner-up…
Vatican City, Holy See: With Pope Francis's death, the immediate running of the Vatican is…
EVERYONE dreams of UP Diliman. It’s the image planted in our minds when we talk…
FINDING your precinct number for the 2025 mid-year elections has been made easier. The Commission…