Generation

Pagtakbo, trending na ehersisyo ngayon

BUMABALIK na muli ang pagkahilig ng mga Pinoy sa pagtakbo.

Mapabata o matatanda, aktibo ngayon sa running, sa kabi-kabilang marathon sa probinsiya hanggang Metro Manila. Katunayan, mabilis agad mapuno ang registration, ayon sa Pinoy Fitness. 

Trending din ang  #RunningIsLife sa iba’t ibang social media nitong mga nagdaang linggo, sa dami ng mga post na nagiging inspirasyon mula sa mga taong aktibo sa pagtakbo.

Photo Courtesy: Bruno Nascimento | Unsplash

Ayon sa mga eksperto, hindi lamang isang simpleng ehersisyo ang pagtakbo. Isa itong aktibidad na may malalim na epekto sa pangkalahatang kalusugan ng isang tao, mapa-katawan man o isipan.

Bukod pa rito, malaki rin ang matitipid dahil hindi na kailangang tumungo at mag-avail ng membership sa mga mamahaling gym upang makapag-ehersisyo.

Tulong sa kalusugan

Ibinahagi naman ng programang Pinoy MD na ang pagtakbo ay nakapagpapabuti ng cardiovascular endurance at lung capacity, pati na rin sa memory retention at attention span ng isang indibidwal. 

Sa isang panayam kasama ang Balitambayan, ibinahagi ni physical rehabilitation expert Dr. Hubert Co na malaki ang tulong ng pagtakbo upang maiwasan ang pagkakaroon ng osteoarthritis.

“Pag kayo ay tumatakbo, pinapalakas po nito ang mga buto natin, pinapalaki ang muscles, and number three, pinapababa ‘yung mga body fat amount natin,” ipinaliwanag ni Co.

Mga dapat tandaan

Kailangan pa ring matutunan ang tamang paraan at porma sa pagtakbo upang maging epektibo ang workout. 

”Pag tumatakbo tayo, ayaw natin na’yung talbog pataas. Gusto natin, we drive ourselves forward, paharap,” ipinaliwanag ng founder ng 5AM Gang na si Paulo Tomacruz.

Photo Courtesy: Chanan Greenblatt | Unsplash

“Ayaw natin ng sobrang talbog natin ‘pag tumatakbo kasi nakakasayang ng energy yan, pataas ‘yung takbo. Gusto natin, paharap, pa-forward.”

Bukod sa tamang paraan ng pagtakbo, kailangan ding tandaan ng mga indibidwal ang tamang bilang ng oras sa pagtakbo at hindi dapat magtagal, upang maiwasan ang matinding pagkapagod ng katawan.

“The recommended running time, whether it’s moderate intensity or high intensity, it’s about 60 minutes per day,” dagdag ni Dr. Co.

Ang mga matatandang edad hanggang 64 ay maaari rin namang tumakbo basta’t wala itong iniindang medical contraindication o underlying medical problem.

Pagkilala ng mga bagong kaibigan

Totoo ngang hindi lamang sa kalusugan ang tulong ng pagtakbo. Isang paraan din ito upang dumami ang  kaibigan, lalo na yung mga nakikilala at nakakasabay tumakbo.

Tulad ng ibang ehersisyo, nagbibigay din ng tinatawag na “natural happy pill” ang pagtakbo dahil nagre-release ang katawan ng “dopamine” o happy hormone kapag aktibo.

How useful was this post?

Bryan Gadingan

Recent Posts

New Generation Leads: Gen Z Mayor Elected in Rizal, Cagayan

Trigger Warning: Mention of Violence  NEW GENERATION leaders are now entering the political arena, with…

2 hours ago

Who won and lost? Showbiz personalities that run in the 2025 midterm elections

DURING the 2025 midterm elections, a number of showbiz personalities had taken their chance to…

4 hours ago

There’s no fault in this restaging of Sala Sa Pito

Boxstage Manila, FEU’s alumni FTG (FEU Theatre Guild), opened their doors for their restaging of…

21 hours ago

#BotoNgKabataan2025: Proclaimed mayors in Metro Manila

SEVERAL winners in the mayoral race have been proclaimed a day after the #BotoNgKabataan2025 midterm…

21 hours ago

Suarez-Navarrete Fight May End Without a Winner

ANOTHER controversial boxing match has made headlines in the community, with the outcome of the…

22 hours ago

Winning senators proclaimed by weekend, says Comelec

THE Commission on Elections (Comelec) announced that they are looking to proclaim all 12 winning…

22 hours ago