Generation

Pagpaparenta ng bike at e-scooter sa campus, balak ng UPLB

NAIS ng University of the Philippines Los Baños (UPLB) sa Laguna na buksan ang programang pagpaparenta ng e-bikes at e-scooters para sa mga estudyante, guro, at mga tauhan nito na maaaring gamitin sa paligid ng kampus.

Ito ang magiging kauna-unahang bike rental sa loob ng pisang campus sa Pilipinas.  Ayon sa website ng UPLB, sa pakikipagtulungan ito ng UPLB at ng Tipaklong Sustainable Mobility, Corp. 

Photo Courtesy: UPLB | Website

Ayon sa unibersidad, maaaring mag-book ng bisikleta ang komunidad ng UPLB gamit ang isang mobile application. Sa loob ng trial period, maaaring umarkila ng e-bike at e-scooters, katuwang ng kanilang partner firm.

Habang bibigyan naman ang mga security officer sa loob ng unibersidad ng mga bike unit at mag-iikot upang masiguro ang safety operations ng proyekto.

Samantala isinasagawa rin ngayon ang isang feasibility study upang malaman kung ilan at layo ng biyahe gayundin ang dami ng maiiwasang carbon dioxide emissions upang lalong mas mapabuti pa ang programa.

“As a national university, we need to be conscious of our carbon footprint and proactively engage our constituents with our efforts to be steadfast stewards of our environment,” ani Roberto P. Cereno, vice chancellor ng UPLB Community Affairs.

“This is us taking a revolutionary step. One way of looking at it is by focusing on our transport system,” dagdag pa niya.

Isinusulong ngayon sa buong mundo ang paggamit ng bike kaysa sa mga sasakyan o motorsiklo upang mabawasan ang carbon footprint sa daigdig.

Ayon pa sa website ng UPLB, ang kolaborasyon na ito ay bahagi ng Green Mobility Initiative (GMI), na nagsusulong at nagpapatibay sa mga kagawiang environment-friendly.

Magdadagdag din ng  bike racks sa iba’t ibang bahagi ng kampus upang mahikayat ang buong komunidad ng UPLB na magbisikleta, hudyat din ng kanilang  kampanyang “green and active transport” sa buong unibersidad.

How useful was this post?

Bryan Gadingan

Recent Posts

The world leaders set to attend Pope Francis’s funeral

Paris, France: Numerous world leaders have announced they will travel to Rome for Pope Francis's…

44 mins ago

J-pop star Ayumi Hamasaki to bring ‘I am ayu -epi.II’ to more Asian cities

AS part of her 27th-anniversary celebration in the music industry, Japanese singer-songwriter Ayumi Hamasaki will…

1 hour ago

Pope Francis’s coffin carried to Saint Peter’s Basilica

Rome, Italy: Pope Francis's open coffin began its procession to Saint Peter's Basilica on Wednesday,…

3 hours ago

VNL Women’s Action to Thrill Cebu Fans in 2026 and 2027

THE VOLLEYBALL action in the Philippines continues, and there are no plans to stop, given…

4 hours ago

Electing a new pope: glossary of key terms

Vatican City, Holy See: Cardinals will take part in a conclave in the Vatican's Sistine…

5 hours ago

Miss U Organization strips Thailand’s Opal of her 3rd runner-up title

THAI beauty queen Suchata “Opal” Chuangsri no longer holds the Miss Universe 2024 third runner-up…

7 hours ago