Generation

Pablo ng SB19, nagsalita tungkol sa ‘Starbucks’ remark ni Alas Pilipinas spiker Sisi Rondina

sisi rondina

sisi rondina

sisi rondina

TRENDING ngayon sa social media ang P-pop boy group SB19 at volleyball player na si Sisi Rondina. Hindi ito tungkol sa magkaibang paksa, kundi dahil sa mainit na sagutan ng kanilang fans sa social media.

Ngayong Lunes, June 10, nagsalita na ang lider ng SB19 na si Pablo kaugnay sa nag-viral na komento ni Rondina tungkol sa boy group sa ginanap na “Pistang Pinoy sa Korea 2024.” Parehas dinaluhan ng SB19 at ng volleyball player ang Philippine Independence Day event na ito nitong Linggo sa Busan, South Korea. 

Sa kanyang pahayag, ipinaalala ni Pablo sa kanilang fans, o mas kilala bilang A’tin, ang layunin ng kanilang grupo: “Iangat ang kulturang Pinoy sa global stage.”

“Simula’t sapul, we worked really hard towards that one goal regardless of the challenges, and we know na hindi kami nag-iisa sa goal na ‘to dahil marami pang ibang Pinoy ang nagsusumikap at nagsasakripisyo para sa layon na ‘to,” wika ng P-pop idol.

What happened?

Nagsalita si Pablo matapos paulanan ng batikos ng ilan sa kanilang fans si Rondina dahil sa kanyang naging sagot sa panayam sa kanya sa “Pistang Pinoy sa Korea,” kung saan tinanong siya kung kaninong performance ang pinaka hinihintay niyang makita.

May ilan sa mga dumalo ang nagbanggit sa SB19, pero ang sagot ng miyembro ng Philippine national women’s volleyball team ay, “Starbucks lang alam ko.” 

“SB” din kasi ang pinaikling tawag sa coffee company.

Sa kanilang now-deleted posts, may ilang A’tin ang hindi nagustuhan ang komento ni Rondina at kinuwestiyon kung bakit hindi niya kilala ang SB19. 

May isang A’tin pa nga ang nagkumpara sa achievements ng SB19 at ng atleta.

Sinagot naman ito ni Stell, main vocalist ng SB19, at sinabing hindi niya pinahihintulutan ang ganitong klaseng pag-uugali.

Apologies issued

Humingi naman ng paumanhin si Rondina sa kanyang Instagram live, kung saan inamin niyang hindi niya talaga kilala ang SB19.

“Ang daming na-offend siguro kaya sorry po talaga, I’m really sorry,” pahayag ng Alas player.

Rumesbak din ang ilang volleyball fans sa social media at sinabing hindi naman dapat mag-sorry si Rondina dahil lang hindi niya kilala ang boy group. Ayon sa kanila, hindi naman “required” na kilala ng lahat ang SB19.

Humingi rin ng paumanhin ang fanbase ng SB19 na A’TIN Philippines sa volleyball community, lalong-lalo na kay Rondina.

“We don’t represent the whole fandom, but as the pioneer fanbase for SB19, we feel like we carry the responsibility to be the voice of those who refuse to tolerate behaviors that might cause harm,” sabi nito.

Hinikayat din ng fandom ang kapwa nila fans na maging “best version” ng kanilang mga sarili.

Stop the hate

Nagpasalamat si Pablo sa A’tin para sa suporta at pagmamahal na ibinibigay nila sa SB19, pero ipinalala niya rin sa fans ang ibig sabihin ng kanilang fandom name.

“Sana lagi niyo tatandaan kung bakit ‘A’TIN’ ang pangalan ng fandom natin. We share our victories! Sa A’TIN lahat to!” sabi ng rapper.

Ipinaalala niya rin sa fans na dapat nilang respetuhin at tanggapin na hindi lahat ng tao ay kilala at gugustuhin ang SB19.

“That’s fine! There’s no reason to spread hate, disrespect or drag down our fellow Filipinos,” ani Pablo.

Hindi naman aniya kailangan magkumpara kung sino ang mas magaling at mas maraming nagawa para sa bansa dahil lahat naman ay nagsusumikap para iangat ang mga Pilipino sa iba’t ibang larangan tulad ng musika at sports.

“Lahat may pinaghirapan, lahat may nilalaban. Dapat hilahan pataas kasi iisa lang rin naman ang goal natin,” dagdag niya.

Bukod sa “Pistang Pinoy sa Korea 2024,” nasa South Korea ang Alas Pilipinas para sa exhibition match nila laban sa Powerful Daegu, pero natalo ang Philippine team sa five-set marathon.

Follow republicasia on FacebookTwitter, and Instagram to get the latest.

How useful was this post?

Joanna Deala

Recent Posts

New Generation Leads: Gen Z Mayor Elected in Rizal, Cagayan

Trigger Warning: Mention of Violence  NEW GENERATION leaders are now entering the political arena, with…

2 hours ago

Who won and lost? Showbiz personalities that run in the 2025 midterm elections

DURING the 2025 midterm elections, a number of showbiz personalities had taken their chance to…

4 hours ago

There’s no fault in this restaging of Sala Sa Pito

Boxstage Manila, FEU’s alumni FTG (FEU Theatre Guild), opened their doors for their restaging of…

21 hours ago

#BotoNgKabataan2025: Proclaimed mayors in Metro Manila

SEVERAL winners in the mayoral race have been proclaimed a day after the #BotoNgKabataan2025 midterm…

21 hours ago

Suarez-Navarrete Fight May End Without a Winner

ANOTHER controversial boxing match has made headlines in the community, with the outcome of the…

22 hours ago

Winning senators proclaimed by weekend, says Comelec

THE Commission on Elections (Comelec) announced that they are looking to proclaim all 12 winning…

22 hours ago