Generation

Paano nga ba magbayad sa jeep kapag foreigners ang katabi?

PAANO naman ako? Sinong mag-aabot ng bayad ko?

Iyan ang tanong na maaaring tumatakbo sa isip ng isang netizen na trending ngayon sa social media, nang magpost ng isang nakakatawang video sa TikTok.

Kadalasan, kapag tayo ay sumasakay sa jeep, ang ating sinasabi kapag mag-aabot ng bayad ay “bayad po.” Pero paano kung ang magiging katabi mo sa jeep ay mga foreigner? Paano nila ito maiintindihan? 

Talaga nga namang nose bleed situation nanaman, dahil paano nga ba ‘to sasabihin sa English?

Sa isang Tiktok post, ibinahagi ni @bogart8269 ang kanyang experience na may makasabay na foreigners sa jeep, habang nagtataka kung paano niya maiaabot ang kanyang bayad.

@bogart8269

Me: asa ang 15 kowens

♬ original sound – Ms.steffy – Queen steffy

“Tulungan nyo ko ano ba dapat sabihin sa kanya?,” sabi ng user, habang ipinapakita ang kanya pera na handa ng ibayad sa jeepney driver, ngunit may katabing mga foreigner na mas malapit sa driver.

Wala mang sinasabi ang user na ito sa video, agad parin itong humakot ng katatawanan sa ibang mga netizens, dahil pati sila ay napaisip na rin sa kung anong pwedeng sabihin. 

Patunay lamang na ang humor ng mga Pinoy ay iisa, at talaga namang sasakyan nila ito. Ang mga netizens na nag-comment ay nagbahagi rin ng kanilang mga ideya kung paano lulusatan ang sitwasyong ito.

Ang sabi ng iba, ipasa na lamang niya ito sa ibang mga Pinoy/Pinay na kasabay niya sa jeep, at hayaang sila ang mamroblema kung paano mapapaabot sa driver ang kanyang bayad.

Habang ang iba naman, iminumungkahi na magtulog-tulugan na lamang siya, at gawin ang pinagbabawal na technique na “123” para makaiwas sa pagbayad at gumising nalang kapag bababa na.

Mayroon namang iba na sinubukan talagang umisip ng nakakatawang English gaya ng, “can you ano?” “hello, please step forward,” “please get one and pass,” “pass the message,” at marami pang iba.

Ang mga Pilipino ay kilala bilang isa sa mga lahi na magagaling at matatas mag-English. Kadalasan nga, kapag nasa paaralan, ang mode of communication na mas gusto ay sa pamamagitan ng English.

Ngunit, may araw lang talaga na masusukat ang iyong English skills lalo na kapag natapat na foreigners ang iyong mga nakasabay sa isang pampublikong lugar o sakayan.

Ikaw? Paano mo kaya iaabot sa mga foreigners ang iyong bayad kapag nakasabay mo sila sa isang pampublikong sasakyan? May the best English win!

How useful was this post?

Bryan Gadingan

Recent Posts

Francis laid to rest as 400,000 mourn pope ‘with an open heart’

Rome, Italy: Pope Francis was laid to rest in Rome Saturday after a Vatican funeral…

8 hours ago

Pope Francis’s funeral: what happens when?

Vatican City, Holy See: The funeral of Pope Francis will take place in St Peter's…

8 hours ago

Hundreds of thousands at funeral mourn pope ‘with an open heart’

Vatican City, Holy See: Hundreds of thousands of mourners and world leaders including US President…

8 hours ago

Huge crowds flock to Vatican for Pope Francis’s funeral

Vatican City, Holy See: Tens of thousands of mourners flooded into St Peter's Square on…

13 hours ago

T’Wolves hold off Lakers despite James, Magic and Bucks win

Los Angeles, United States: The Minnesota Timberwolves turned it up late to beat the Los…

13 hours ago

Pope Francis’s funeral: who’s attending?

Vatican City, Holy See: World leaders will be in Rome on Saturday for Pope Francis's…

16 hours ago