Generation

P-pop group VER5US, nag-disband na

NAKATANGGAP ng malungkot na balita ang P-pop community nang magpaalam ang boy group na VER5US sa kanilang fans na sila’y magdi-disband na.

Sa kanilang official statement, inihayag ng VER5US na nagkaroon ng “careful consideration and discussions” ang grupo bago ito humantong sa desisyong mag-disband.

“Although it’s a difficult decision, we believe it’s time to pursue new paths and opportunities,” sabi ng VER5US.

Pinasalamatan nito ang mga taong sumuporta sa kanilang P-pop journey, kabilang na ang kanilang managers, admins, at pamilya.

“Your encouragement and support have meant the world to us, and we will carry the lessons learned and memories made with us wherever we go,” pahayag ng grupo.

Photo courtesy: @_ver5usofficial | X

Pero sa kabila ng kanilang disbandment, tiniyak ng grupo na mananatili pa rin sa kanilang mga puso ang mga alaala at pagkakaibigang kanilang nabuo bilang grupo.

“As this chapter closes, we look forward to what the future holds. We remain hopeful that you will continue to extend your support as we embark on our new paths,” wika ng boy group.

Nangyari ang disbandment ng VER5US bago pa man sila opisyal na mag-debut sa music industry.

Nabuo ang grupo noong 2021 na kinabibilangan nina Joe, Josh, Khenne, Gab, at Ken. Sila ang itinanghal na grand winners sa reality show na POPinoy at kinilala bilang “Heartthrob Dreamers.”

Inilabas ng VER5US ang kanilang pre-debut singles na “Winner” at “Alon” noong 2023. Noong taong ding iyon una silang dumalo sa Pinoy Pop Convention (PPOPCON), kung saan na-nominate sila sa bilang New Boy Group of the Year.

Fans react

Samantala, marami namang fans ang nalungkot sa disbandment ng VER5US. Gayunpaman, nagpahayag sila ng suporta para sa quintet.

“Good luck boys. I’ll miss you so much as VER5US but will continue to support your individual careers, whatever you decide to do,” pahayag ng isang fan sa X (dating Twitter).

Nagpasalamat naman ang isang online user sa VER5US para sa kanilang mga kanta na nag-iwan ng magandang epekto sa kanilang fans.

“‘Alon’ will always be one of my fave go to calm songs and ‘Winner’ will always [give me] motivation,” saad niya.

May isang netizen naman ang umaasang muli niyang masisilayang magtanghal sa entablado ang VER5US members.

“It can be [in] different groups, maybe [the] same group, or maybe solo. I hope the best for everyone,” wika niya.

How useful was this post?

Joanna Deala

Recent Posts

Conclave to elect new pope starts May 7

Conclave to elect new pope starts May 7 Vatican City, Holy See: Catholic cardinals will…

1 hour ago

Philippines denies ‘irresponsible’ Chinese report on disputed reef

The Philippines on Monday slammed an "irresponsible" Chinese state media report claiming a disputed reef…

5 hours ago

The adidas x Bad Bunny Sneakers That Dance

adidas Originals and Bad Bunny Launch New Black & White Colorways of the “Ballerina” Silhouette…

5 hours ago

Lapu-Lapu Day: A simple Filipino Festival turned into a tragedy

TO COMMEMORATE the heroic act of Datu Lapu Lapu—the man who led the Filipinos in…

5 hours ago

Suspect charged with murder in Lapu-Lapu Festival car attack that killed 11

Vancouver, Canada: The suspect in a Canadian car-ramming attack that left 11 dead at a…

6 hours ago

T’Wolves win to push Lakers to brink, Celtics, Knicks and Pacers win

Los Angeles, United States: Anthony Edwards scored 43 points and the Minnesota Timberwolves out-gunned the…

7 hours ago