Generation

P-pop group BILIB, balik-music scene sa bagong single

NAG-COMEBACK sa P-pop scene ang boy group na BILIB sa paglabas nito ng “Say Whatcha Wanna Say” na kinanta live ng grupo sa unang pagkakataon sa isang press conference.

Sa “Say Whatcha Wanna Say,” binigyan-diin ng BILIB—na binubuo nina Yukito, Zio, JMAC, RC, Clyde, Carlo, at Rafael—ang kahalagahan ng pagtitiwala sa sariling kakayahan sa kabila ng mga negatibong sinasabi ng iba.

Naglabas din ang BILIB ng music video ng kanta at ipinamalas ang kanilang pangmalakasang dance moves. 

Ipinaliwanag din ni Zio, rapper ng BILIB, sa harap ng media kung paano nabuo ang “Say Whatcha Wanna Say.” Ayon sa kanya, gusto nilang maging motibasyon ito ng mga makaririnig ng kanta.

“Bilang isa po sa mga nagsulat ng lyrics ng ‘Say Whatcha Wanna Say,’ ang inisip ko po is general eh? Yung parang problema na ng mundo na lagi na lang may mga taong nanghihila sa’yo pababa,” pahayag niya.

“Nung ginawa ko siya, inisip ko na kailangan kong gumawa ng strong statement na makaka-motivate sa mga taong nakikinig sa kanta na, ‘Huy kailangan kong galingan.’ Kahit anong sabihin, tuloy lang tayo kasi tayo naman yung magbabago sa sarili natin hindi naman sila,” dagdag ni Zio.

Sabi pa ng rapper, walang mangyayari kung magpapaapekto sa sinasabi ng iba.

Bituin reactions

Maraming fans ng grupo, o mas kilala bilang Bituin, ang natuwa sa comeback ng BILIB sa P-pop scene.

Ilan sa kanila ang namangha at nagsabing “goosebumps” ang dance choreography para sa “Say Whatcha Wanna Say” nang i-post sa social media ang kanilang live performance.

May ibang fans din ang nag-comment sa post ng BILIB sa Facebook at nagpahayag ng suporta para sa rookie group. Naniniwala silang uukit ng pangalan ang BILIB sa music industry.

Photo courtesy: BILIB’s Facebook post

About BILIB

Nag-debut ang BILIB sa ilalim ng AQ Prime Music noong July 2023, tampok ang kantang “Kabanata.” 

Bago mabuo ang BILIB, naging bahagi sina Yukito at Zio ng P-pop group na “Press Hit Play.” Umalis sila sa grupo noong 2022.

Naglabas ang BILIB ng single na “Simpleng Pasko” nitong November 2023, at “Tawag” nitong June 2024.

Ayon sa BILIB, layon nilang maging “support system” para sa aspiring P-pop idols at maka-inspire sa pamamagitan ng kanilang musika.

How useful was this post?

Joanna Deala

Recent Posts

Cardinals urge peace in Ukraine, Mideast ahead of conclave

Vatican City, Holy See: The Catholic cardinals gathered ahead of the conclave to elect a…

6 hours ago

The Unexpected Choice: How Pope Francis Rose to Power

FOLLOWING Pope Francis' passing on April 21, 2025, many devoted Catholics, particularly in the Philippines,…

9 hours ago

Netflix subscribers to pay higher fees beginning in June

FILIPINO users of streaming giant Netflix will have to pay higher subscription fees starting June,…

10 hours ago

Secrets, Scandals, and the Final Prophecy: The Conclave Begins

SMOKE has not yet risen, but in the days that will follow, something inside the…

10 hours ago

K-pop stars S.Coups of SVT, Lisa of BLACKPINK make Met Gala debut

FOR the first time, K-pop idols S.Coups of boy group SEVENTEEN and Lisa of BLACKPINK…

12 hours ago

Netflix Drops Teaser for Squid Game’s Final Season

CAPITALISM’S most brutal metaphor is back for the final round.  Netflix has finally dropped the…

12 hours ago