Generation

NBA Play-In Tournament, nakalatag na!

HANDA nang makipagsalpukan ang mga NBA teams na nakapasok sa Play-In Tournament, para masungkit ang Playoff spot sa nalalapit na post season na magsisimula ngayong Miyerkules, April 17 (PH Time).

Matapos ang ilang linggo na punumpuno ng mahihigpit na paghaharap ng bawat team, ngayong araw lamang nabuo ang play-in tournament schedule dahil ang bawat laro ay naging crucial para sa standings.

Magsisimula na ang play-in games sa Miyerkules, April 17, kung saan mahaharap muli ang team ni LeBron James na Los Angeles Lakers, kontra kay Zion Williamson at ang New Orleans Pelicans.

Photo Courtesy: NBA

Kaninang umaga lang, nilagpasan ng Lakers  ang Pelicans 124-108, kung saan binuhat ni King James ang kanyang team at nagtala ng triple-double na 28 points, 11 rebounds, at 17 assists, na may kasama pang 5 steals.

Mula sa panalong ito, na-secure ng Lakers ang 8th spot, angat sa Sacramento Kings at Golden State Warriors, kahit galing din ang dalawang koponan sa malalaking panalo.

Dahil dito, maghaharap ang Kings at Warriors para sa isang do-or-die match na kung saan uuwi ang talunang team, habang makakaharap naman ng nagwagi ang matatalo sa laban ng Lakers at Pelicans.

Photo Courtesy: NBA

Sa Huwebes, April 18, maghaharap ang nagbabalik sa play-in na Miami Heat kontra Philadephia 76ers upang malaman kung sino ang magiging 7th sa standing.

Kasunod din nito ang mahalagang laban ng Atlanta Hawks at Chicago Bulls na parehong nais na umangat pa at kalabanin ang matatalo sa laro ng Heat at 76ers.

Sa ngayon, pasok na at naghihintay na lamang sa playoffs ng Western Conference ang Oklahoma, Denver, Minnesota, Los Angeles Clippers, Dallas, at Phoenix.

Samantalang ang Boston, nagtapos naman sa top seed, kasunod ng New York, Milwaukee, Cleveland, Orlando, at Indiana. Naghihintay na lamang ang mga teams na ito kung sino ang makakapasok mula sa play-in.

Ngunit, iba pa rin ang excitement ng mga tao sa Western Conference dala na rin ng mga dikit na laro at multiple close records sa standings na may kalayuan kung ikukumpara sa East.

Maaasahan ang high-level matchups hindi lamang sa mga player, pati na rin sa mga plays at adjustments ng coaching staff ng bawat koponan. 

How useful was this post?

Bryan Gadingan

Recent Posts

Who won and lost? Showbiz personalities that run in the 2025 midterm elections

DURING the 2025 midterm elections, a number of showbiz personalities had taken their chance to…

1 hour ago

There’s no fault in this restaging of Sala Sa Pito

Boxstage Manila, FEU’s alumni FTG (FEU Theatre Guild), opened their doors for their restaging of…

18 hours ago

#BotoNgKabataan2025: Proclaimed mayors in Metro Manila

SEVERAL winners in the mayoral race have been proclaimed a day after the #BotoNgKabataan2025 midterm…

19 hours ago

Suarez-Navarrete Fight May End Without a Winner

ANOTHER controversial boxing match has made headlines in the community, with the outcome of the…

19 hours ago

Winning senators proclaimed by weekend, says Comelec

THE Commission on Elections (Comelec) announced that they are looking to proclaim all 12 winning…

20 hours ago

Brilliant Brunson and Knicks leave Celtics on brink

Brilliant Brunson and Knicks leave Celtics on brink New York, United States: Jalen Brunson scored…

1 day ago