GUMAWA ng kasaysayan si Moira Dela Torre bilang kauna-unahang Pinay singer at solo artist na naka-dalawang bilyong streams sa digital music platform na Spotify.
Ibinahagi ng 30-year-old singer ang achievement niyang ito sa social media, kung saan pinasalamatan niya ang kanyang fans at mga taga-pakinig.
“Today….. you guys made me the First Filipino Solo Artist and the First Filipina Artist to reach 2Billion streams on [Spotify],” ani Moira. “Two billion times thank you.”
Si Moira ang most-streamed soloist ngayon sa nasabing platform. Sa ngayon, silang dalawa lamang ng nine-piece folk-pop band na Ben&Ben ang mayroong two billion streams sa Spotify.
Noong December 2021 nakamit ng singer-songwriter ang one billion Spotify streams.
Narito ang lima sa kanyang most-streamed songs sa platform: “Tagpuan (123,212,433 streams), “Paubaya (97,238,539),” “Babalik Sa’yo (94,048,748 streams),” “Before It Sinks In (75,594,769 streams),” at “Kumpas (71,257,606).”
Sa comment section ng kanyang post, binati naman si Moira ng kanyang kapwa celebrities at artists tulad nina Andrew De Pano at Agnes Reoma ng bandang Ben&Ben, Marjorie Barretto, Kiana Valenciano, Ogie Alcasid, Jhong Hilario, at Bianca Gonzalez.
Dumagdag ang kanyang two billion Spotify streams sa humahabang listahan ng achievements ni Moira.
Kamakailan lamang, pinarangalan ang Pinay singer bilang Female Recording Artist of the Year sa Box Office Entertainment Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation.
Nasa world tour ngayon si Moira na nagsimula sa Kuala Lumpur, Malaysia noong Abril, na sinundan ng shows sa San Francisco, California; Los Angeles, California; Washington States, Pala, California sa Amerika. Magpe-perform ulit si Moira sa June 1 sa Stafford, Texas.
Kabilang din ang Canada sa kanyang world tour na magsisimula sa Red Deer, Alberta. Susunod ang Ontario, Toronto; Saskatchewan; at Montreal, Quebec.
Taong 2023 nang ianunsyo ni Moira sa Instagram na maglalabas siya ng bagong album. Ibinahagi niya ang ilang litrato at videos niya habang nagre-record ng kanta sa isang studio. Pero sa ngayon, wala pang balita kung kailan niya ilalabas ang naturang album.
Noong taon ding iyon inilabas ni Moira ang kanyang heartbreaking single na “Ikaw at Sila,” na bahagi ng kanyang upcoming album.
“Patawad” ang huling album na ni-release ni Moira noong 2020 sa ilalim ng Star Music.
How useful was this post?
Click on a star to rate it!
Average rating 0 / 5. Vote count: 0
No votes so far! Be the first to rate this post.
We are sorry that this post was not useful for you!
Let us improve this post!
Tell us how we can improve this post?