Generation

Mobile showers, sagot sa init ng Valenzuela City

MALA-KALBARYO ang init na nararanasan ngayon sa Pilipinas. Lalo’t ayon sa PAGASA,  lalala pa ang init sa darating na araw at maraming bahagi sa Pilipinas ang posibleng pumalo ang heat index mula 45 hanggang 54.8 degrees celsius.

Kung tutuusin, bilang isang tropical country, sanay tayo kapag tag-init pero ngayon, halos hindi na kinakaya ng marami ang heat index na pinapalala ng El Niño. 

Naapektuhan na ng matinding init ang agrikultura sa kanayunan, komersyo at maging pag-aaral ng mga estudyante sa buong kapuluan. Numipis din ang kuryente at natutuyo na ang tubig sa mga dam.

Kani-kaniya ring solusyon ang mga lokal na pamahalaan upang maibsan ang init na nararamdaman ng kanilang nasasakupan.

Sa Valenzuela City,  mobile showers ang sagot ng LGU para sa mga komunidad na apektado ng water interruptions sa pagbaba ng suplay ng tubig.

Dalawang malalaking mobile showers ang lumilibot sa mga barangay sa lungsod at nagbibigay ng libreng ligo upang maiwasan din ang mga sakit na dulot ng labis na init.

“Bilang tugon sa mainit na panahon ngayon, mag-iikot ang mga ito sa mga komunidad na apektado ng water interruption,” ayon sa Facebook post ng Valenzuela LGU.

“Sa panahon naman ng mga sakuna gaya ng baha at sunog ay idedeploy din ang mga Mobile Shower and Toilet Truck sa mga evacuation center.”

Nahatiran na ng libreng tubig ang mga barangay tulad ng Gen T. De Leon at Parada.

Pinaagang work schedule sa Maynila

Ibinaba naman ng Manila City government ang kautusan sa pamamagitan ng Executive Order No. 22 s. 2024, ang mas pinaagang pasok sa trabaho o working hours na mula 7AM hanggang 4PM mula May 2.

“With this, the Manila Health Department advised the public that working hours of all 44 health centers in the city would be adjusted to 7AM to 4PM every weekday and advise the public to register in their facilities before 6AM to promptly receive their services at 7AM,” ayon sa Facebook post ng Manila LGU.

Manila LGU, nagbomba ng tubig

Kahapon, nagbomba naman ng tubig ang Manila LGU sa kahabaan ng España Boulevard upang mabawasan ang init.

Inabisuhan na rin ng Manila Parks Development Office ang mga nais bumisita sa Arroceros Forest Park at Paraiso ng Batang Maynila, sa bagong operating hours nito mula 7AM hanggang 5PM.

How useful was this post?

Bryan Gadingan

Recent Posts

The world leaders set to attend Pope Francis’s funeral

Paris, France: Numerous world leaders have announced they will travel to Rome for Pope Francis's…

36 mins ago

J-pop star Ayumi Hamasaki to bring ‘I am ayu -epi.II’ to more Asian cities

AS part of her 27th-anniversary celebration in the music industry, Japanese singer-songwriter Ayumi Hamasaki will…

1 hour ago

Pope Francis’s coffin carried to Saint Peter’s Basilica

Rome, Italy: Pope Francis's open coffin began its procession to Saint Peter's Basilica on Wednesday,…

3 hours ago

VNL Women’s Action to Thrill Cebu Fans in 2026 and 2027

THE VOLLEYBALL action in the Philippines continues, and there are no plans to stop, given…

4 hours ago

Electing a new pope: glossary of key terms

Vatican City, Holy See: Cardinals will take part in a conclave in the Vatican's Sistine…

5 hours ago

Miss U Organization strips Thailand’s Opal of her 3rd runner-up title

THAI beauty queen Suchata “Opal” Chuangsri no longer holds the Miss Universe 2024 third runner-up…

7 hours ago