BAWAL ang bastos!
Ito ang sigaw ng higit 120 na student leaders sa Ateneo de Manila University na nagtipon-tipon para sa pinag-isang kilusan, kaugnay sa kaligtasan laban sa mga sexual predators and enablers.
Nangyari ito nitong nagdaang ika-10 ng Pebrero.
Sama-sama ang mga estudyante mula sa grupong Enough is Enough (EIE), isang organisasyon ng mga nakaligtas sa sekswal na pang-aabuso at ngayon ay nagtataguyod ng gender equality o pagkakapantay-pantay ng kasarian.
Kwento ng EIE lead convenor na si Sophie Reyes, nagsisilbi itong paghahanda sa mga estudyante patungkol sa mga isyung sekswal na pang-aabuso sa loob ng eskwelahan at sa labas.
Pinagusapan ang patuloy na paglaki ng kaso ukol sa panghaharass at sekswal na pang-aabuso at sa matamlay na tugon ng DepEd at ng mga mambabatas tungkol sa problema.
Simula pa lang ng pagtatag ng organisasyong EIE noong Setyembre 2022, mayroon nang apat na pangunahing pangangailangan kaugnay sa ‘2019 Safe Spaces Act’ na gusto nilang ipabago:
Pagkatapos ng talakayan, umapela ang grupo sa standardization ng patakarang laban sa paghihiganti para protektahan ang mga biktima na nakaligtas mula sa parehong mga mandaragit at mga enabler habang sila ay lumalabas.
“For as long as the status quo remains where the media can continue to report cases of sexual violence and our national leaders can express their sympathy without taking any form of action, predators and enablers will remain more protected than the youth,” sabi ni Reyes.
Kasama sa pagtitipon ay opisyal ng ‘Parents and Teachers United Advocates Association Philippines Inc.’ na si Raymundo Rivamonte, mga opisyal mula sa Commission on Human Rights ng University of the Philippines Center for Women and Gender Studies.
Kasama din sa pag-oorganisa ang kampus partidong politkal ng Ateneo De Manila University sa forum.
FILIPINO actor and television director Frederick Charles Caballes Davao, famously known as Ricky Davao, has…
THE WHEEL of fortune continues to turn, as collegiate fans witness the heart-stopping UAAP Season…
An evening dedicated to vision, purpose, and cultural pride. The Miss Universe 2025 Charity Gala…
The People's Choice Roast is making its grand return, a masterpiece of flavor where luxury…
NOW THAT LeBron James and the whole Los Angeles (LA) Lakers' season is over, having…
LAUNCHED on May 1, the P20/kilo rice program of President Ferdinand R. Marcos Jr., and…