HULI sa CCTV camera ang isang grupo ng mga “Cat-watan” nang looban ang isang refrigerator!
Kalaboso ngayon ng kanilang fur parent ang mga pusang nagsabwatan para buksan ang ref at kumuha ng pagkain at nakunan sa CCTV camera. Trending ngayon sa social media at kinagigiliwan ang post ng isang fur parent.
Ika nga nila, team work makes the dream work, kaya naman hindi pinalagpas ng grupo ng mga pusang ito na makadukot ng pananghalian o snack, mula sa ref ng amo nila.
Pinangalanan ng among si Anne Alegato ang mga kawatang pusa na sina Cali, Trashcant, Stampy, Ravioli, Spinach Puffs, at Tagliatelle na ginamit ang kanilang FUR-lexibility upang maakyat ang ref.
Mula sa panayam ni Alegato sa ABS-CBN News, inamin niya na nakaligtaan talaga niyang isara ang kanilang ref, at naging o-FUR-ortunity para looban ng mga makukulit niyang alaga.
Ibinahagi rin niya na hindi ito ang unang beses na inakyat ng kanyang mga alaga ang kanilang ref. Ayon nga rito, ipina-cat proof na nila ang iba pa nilang mga cabinet, upang maiwasang mabuksan ng mga pusa ang mga ito.
“Parang naging habit na po nila na mag-open ng ref out of curiosity po. Minsan may nakukuha silang food ‘pag may nakita silang exposed food inside like chicken or leftover fish,” paliwanag ni Alegato.
Screenshot from: Anne Alegato | Facebook
Wala raw dapat ikabahala ang netizen sa napanood na video. Sabi ni Alegato, hindi niya ginugutom ang kanyang mga alaga at scheduled naman ang kanilang mga meals gamit ang automatic feeder.
Dagdag pa niya, kahit pa may kakulitan ang kanyang mga alaga, mahal na mahal naman niya ito at nauunawaan at kinatutuwaan na lang niya ang mga ginagawang kalokohan.
Tiwala rin siya na hindi mapapasama ang mga ito, dahil karamihan sa mga pusa niya ay rescued cats, kaya naman malakas ang kanilang survival instinct.
Screenshot from: Anne Alegato | Facebook
Umani naman ang post na ito ng nakakatawang mga comments at kwento mula sa iba pang mga cat owner. Ibinahagi nilang hindi nag-iisa si Alegato sa experience na ganito.
“Yung isang cat ng partner ko na namatay na, marunong rin magbukas ng ref. Buti na lang talaga ngayon, kahit marami kaming cats, walang marunong sa kanila,” sabi ng isang netizen.
Payo rin naman ng ibang fur parents, siguraduhing nakasara ang mga dapat isara, upang makaiwas sa “MEOW-ney Heist” na gaya ng na-experience ng cat owner na ito.
Boxstage Manila, FEU’s alumni FTG (FEU Theatre Guild), opened their doors for their restaging of…
SEVERAL winners in the mayoral race have been proclaimed a day after the #BotoNgKabataan2025 midterm…
ANOTHER controversial boxing match has made headlines in the community, with the outcome of the…
THE Commission on Elections (Comelec) announced that they are looking to proclaim all 12 winning…
Brilliant Brunson and Knicks leave Celtics on brink New York, United States: Jalen Brunson scored…
FILIPINOS will soon know the full results of the 2025 National and Local Elections (NLE),…